29/07/2025
"Sa haba ng panahon, ngayon lang ulit ako muling umiyak ng may pasasalamat."
Hindi nawala ang pusong mapagpakumbaba- natabunan lang marahil ng sakit, takot, at mga negatibong bagay.
Ito ang araw na muli kong niyakap ang mga bagay na minsang nakakalimutang pasalamatan:
Una, "buhay" na ilang ulit ko ng hiniling na bawiin nya. Ang buhay na gusto ko ng ipahinga at pagsaraduhan ng pahina.
Pangalawa, "bahay o tahanan" hindi ito ang sinasabe nilang dream house nila (hindi naman masama na mag hangad ng mas higit pa sa kung anong meron sa ngayon), pero para sa akin?
Kumpleto naman na ang mga nais kong makita sa tahanang ito, sila! sila mismo ang higit na sa akin ay mas mahalaga kesa sa magara at mamahaling materyales na likha ng tao- dahil sila ang tahanan ko.
Pangatlo, Ito ay ang mga biyayang ipinagkakaloob N'YA!
Mula sa pag gising sa umaga hanggang sa muling pagsara ng aking mga mata.
Kaya sa muling pagbubukas ng malayang panulat na may lakas na magpahayag ng malayang saloobin. Nais ko pong humingi ng tawad kalakip ang pasasalamat at ang tahimik na hiling ng luhang payapa.
Nakalimot po ako ng sandali Ama, patawad po🥺
Naging abala ako sa pag-aalala, sa sinasabe ng iba, sa boses na nagmumula sa kanila at sa kadenang ako mismo ang gumawa at nag kabit sa akin. Naging abala ako sa pag-abot ng mga bagay na hindi para sa akin, mga bagay na tiyak akong parte lamang ng proseso, mga bagay na nakakalunod sisirin at mga bagay na mas makakapagbulag sa akin. Patawad po kung nanahan ako sa imahinasyon ng huwad na pangarap.
Nakalimutan ko na higit na mas mahalaga kesa sa tagumpay na inihahayag ng tao ang tagumpay na magkaroon ng lakas ng loob na harapin ka balang araw at sabihing
"Napagtagumpayan ko po ang misyon ko, at Masaya po akong naisara po ng maayos ang pahina ng paborito kong libro."
Nakakapanghinayang na marami po akong napalampas na sandali na dapat ay masaya ako at nakangiti.
Ngayon, habang nagbabalik tanaw sa mga nakaraang bagay na inaalala at rason ng pagkakunot ng aking mukha. Nais ko pong mag pasalamat dahil may pagkakataon pa ulit akong mapagtagumpayan lahat ng hamon ng may ngiti sa labi at may pusong handang masaktan ng hindi nag-aalangan at walang balak talikuran ang pagtawag na medyo mabigat ang tugon na kinakailangan.
Ako ito!
Ako ito sa likod ng imahe ng batang minsang nangarap na maging isang manlalakbay sa ibat-ibang bahagi ng bansa at kahit sa labas pa nito.
Sa milyong duda SYA ang aking TIYAK.
Kaya tinatanggap ko ng maluwag sa dibdib na hindi magiging madali pero panghahawakan ko ang pangako nyang
HINDI NYA AKO IIWAN.
Ako si Ms. Jen, kasalukuyang nabibilang sa mga gurong nagbibigay ng serbisyo at pagmamahal sa mga batang puno ng pangarap at puno ng pag-asa na makakamtan at mayayakap nila ito.
Ako ay minsang Ikaw sa likod ng mga huwad na mukhang panakip sa damdaming nagkukubli.
-🖋️