15/09/2026
Ang buong pamunuan ng Pansol Elementary School ay taos-pusong nagpapaabot ng pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng katuparan ng itatayong bagong 3 storey building/classrooms.
Ang proyektong ito ay isang patunay ng pagmamalasakit ng ating Sangguniang Bayan sa kapakanan at kinabukasan ng mga kabataang Pansoleรฑo.
Isang pagkilala at pasasalamat kay Congressman Caloy Bolilia sa inyong dedikasyon, suporta, at walang pagod na pagtutulak upang mabigyan ng prioridad ang pangangailangan ng aming paaralan.
Gayundin, kay Vice Mayor Miko Angelo Braga Riveraโ maraming salamat po sa inyong aktibong pakikipag-ugnayan at pangunguna upang maisaayos at maisakatuparan ang proyektong ito para sa aming mga anak.
Ang bagong building na ito ay magsisilbing tahanan ng kaalaman, pangarap, at pag-asa ng susunod na henerasyon.
Ang inyong kontribusyon ay hindi lamang gusali, kundi pamana ng pagmamahal sa edukasyon.
Mula sa Puso ng Pansol Elementary School,
Maraming Salamat Po!