Tinta Opisyal na Pambatang Pahayagan ng SJES

Tinta Opisyal na Pambatang Pahayagan ng SJES Ang dugo ng pahayagang ito ay ang boses sa lahat ng Opisyal na Estudyante ng Mababang Paaralan ng San Juan, Distrito ng Padre Burgos, Dibisyon ng Timog Leyte!

🎉 Isang mainit na pagbati sa San Juan Elementary School! 🎉Sa temang “A James Bond Night” ng DepEd Night 2025, hindi lang...
14/10/2025

🎉 Isang mainit na pagbati sa San Juan Elementary School! 🎉
Sa temang “A James Bond Night” ng DepEd Night 2025, hindi lang gilas at glamor ang ipinamalas ng SJES—kundi ang tunay na diwa ng serbisyo, talino, at dangal!

🕵️‍♀️ Punong G**o Joy M. Goff, apat na parangal ang iginawad (nasa larawan)—patunay ng inyong matatag na pamumuno, walang kapantay na dedikasyon, at inspirasyong hatid sa buong komunidad. Kayo ang tunay na “Agent of Excellence,” tahimik ngunit palaban, mapagpakumbaba ngunit makapangyarihan sa gawa.

🕵️‍♂️ Ginoong Rimuel C. Garces, ang natanggap ninyong parangal (nasa larawan) ay sagisag ng inyong kontribusyon sa paghubog ng kabataan at pagpapatibay ng kalidad ng edukasyon. Isa kayong huwaran ng sipag at galing, isang “unsung hero” na ngayon ay binibigyang-pugay.

💎 Sa bawat parangal, kasamang umaangat ang pangalan ng San Juan ES—isang paaralang may misyon, may puso, at may tapang. Sa gabing iyon, ang lahat na mga g**o sa Distrito ng Padre Burgos ang mga tunay na bida ng edukasyon.

👏 Mabuhay kayo, mga g**o ng San Juan ES! Patuloy ninyong isulat ang inyong legacy—hindi lamang sa papel ng parangal, kundi sa puso ng bawat batang Pilipinong inyong hinuhubog.

SELG @ YES-O Officers ng SJES nagsanib puwersa sa pag sorpresa sa kanilang mga g**o.Preskong bulaklak, aesthetic na ball...
05/10/2025

SELG @ YES-O Officers ng SJES nagsanib puwersa sa pag sorpresa sa kanilang mga g**o.
Preskong bulaklak, aesthetic na balloons, sinserong mensahe, at makapagpigil hiningang sayawan ang inialay at inihandog ng mga estudyante sa kanilang mga g**o.
Mala artistang posing at smile naman ang ibinida ng mga g**o sa tuwing kinukunan ng mga larawan ng isang mangingiyot na estudyante #

Masayang alaala ang naipinta sa mukha ng bawat g**o ng SJES matapos ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng mga G**o sa Por...
05/10/2025

Masayang alaala ang naipinta sa mukha ng bawat g**o ng SJES matapos ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng mga G**o sa Porla Bahia, Malitbog, Timog Leyte!

Ang nasabing selebrasyon ay pinangungunahan ng kanilang punong-g**o na si ma’am Joy Goff!

Gabi mang umuwi, ngunit bitbit ng bawat isa ang malabundok na kagalakan at hindi malilimutang pangyayari. #

Blazing Phoenix ng SJES Sumiklab sa District Meet 2025Padre Burgos, Southern Leyte — Nagliyab ang entablado ng District ...
04/10/2025

Blazing Phoenix ng SJES Sumiklab sa District Meet 2025

Padre Burgos, Southern Leyte — Nagliyab ang entablado ng District Meet 2025 na ginanap sa Padre Burgos Central School noong Oktubre 2, 2025, nang ipamalas ng San Juan Elementary School ang kanilang lakas at determinasyon sa ilalim ng pangalang “Blazing Phoenix.”

Sa unang laro pa lamang ng paligsahan, agad nang nagpakitang-gilas ang koponan sa larangan ng track and field. Si Jodi Manaug ang unang nagkamit ng medalya para sa Blazing Phoenix matapos masungkit ang bronze sa 100-meter sprint. Hindi nagtagal, sumiklab ang ginto sa paa ni Bless Audrey Diez na wagi sa 200-meter sprint, na siyang nagbigay ng unang gold medal para sa San Juan.

Sa larangan ng throwing events, nagningning si Valerie Canta matapos mag-uwi ng silver sa javelin throw at bronze sa discus throw (female category). Isa pang manlalaro, si John Aaron Plaza, ay nakakuha ng bronze sa discus throw (male category. Bagamat muntik nang masungkit ang panalo sa kanyang huling 15-meter throw, ito’y na-foul, dahilan upang hindi maitala ang kanyang pinakamalakas na bitaw.

Hindi rin nagpahuli si Juan Marius Oliva, na nagpakitang-gilas sa jumping events. Nakamit niya ang silver sa long jump at bronze sa triple jump, patunay ng kanyang husay sa pagtalon at tiyaga sa bawat hakbang.

Bagamat hindi pinalad sina Alexander Jerichi Cuesta sa throwing events, Jacob Tindoy sa running, Xian Clyde Agapay sa chess, at sina Jerson Oliva at Mae Langit sa badminton, nananatiling buo ang suporta ng buong San Juan Elementary School sa kanilang mga atleta. Ang kanilang pagsisikap ay bahagi ng mas malawak na tagumpay ng koponan.

Sa kabuuan, ang Blazing Phoenix ay patuloy na lumilipad, dala ang apoy ng determinasyon, dangal ng paaralan, at inspirasyon para sa mga susunod pang taon ng District Meet. Sa bawat medalya at bawat hakbang, isang kwento ng tapang at pagkakaisa ang isinusulat ng San Juan Elementary School.

Address

Purok Cacao
Padre Burgos
6602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinta Opisyal na Pambatang Pahayagan ng SJES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category