DepEd Hinguiwin National High School

DepEd Hinguiwin National High School Sa HNHS, Karangalan po namin ang Paglingkuran Kayo! A Public High School under Department of Education established since 1972
(1)

From Grade 12 – Unity of Hinguiwin National High School, Jhommel M. Llarenas is ready to take the stage—not only as a pr...
20/08/2026

From Grade 12 – Unity of Hinguiwin National High School, Jhommel M. Llarenas is ready to take the stage—not only as a proud Hinguiwinian, but as a representative of the Municipality of Padre Burgos in the Spoken Word Poetry Competition of Quezon Pasiklaban 2026.

With every word he delivers, Jhommel carries with him the stories, dreams, and aspirations of the young people of Padre Burgos. His voice may come from the halls of Hinguiwin National High School, but on this stage, it speaks for an entire community.

Truly, a proud Hinguiwinner! ❤️🤟🏻

𝐌𝐄𝐄𝐓 𝐓𝐇𝐄 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐋𝐈𝐍𝐄-𝐔𝐏 𝐎𝐅 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒 | 𝐒𝐏𝐎𝐊𝐄𝐍 𝐖𝐎𝐑𝐃 𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ngayong Quezon Pasiklaban 2026, bibigyang-buhay ng mga kabataang Quezonian ang kani-kanilang kwento, pananaw, at karanasan sa entablado ng Spoken Word Poetry, na nakasentro sa temang “𝐃𝐢𝐟𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞𝐱𝐭, 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐨𝐧 𝐀𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.”

Magkakaiba man ang pinagmulan, karanasan, at kwento ng bawat isa, nagkakaisa ang kabataan sa iisang hangarin ang mangarap, umunlad, at makamit ang mas magandang kinabukasan para sa sarili, kapwa, at bayan.

Sino kaya ang may tinig na pinakamalakas tumimo, pinakamalalim magpahayag, at pinakamagaling magbigay buhay sa kanyang mga salita?

𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌
𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐧𝐯𝐞𝐧𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫, 𝐋𝐮𝐜𝐞𝐧𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲

QUEZON, PASIKLABAN NA!





17/08/2026

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞: 𝗔𝗹𝗹 𝗟𝗲𝘃𝗲𝗹𝘀 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗱𝗿𝗲 𝗕𝘂𝗿𝗴𝗼𝘀, 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 18

Walang pasok sa lahat ng antas ngayong araw, Agosto 18, alinsunod sa abiso ng Municipal Mayor dahil sa masamang lagay ng panahon.

Pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay, mag-ingat, at mag-abang sa mga opisyal na update.

  | ANUNSYO📢 WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTASIpinapaalam ng Hinguiwin National High School sa lahat ng mag-aaral, magulang...
17/08/2026

| ANUNSYO

📢 WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS

Ipinapaalam ng Hinguiwin National High School sa lahat ng mag-aaral, magulang, at teaching at non-teaching personnel na SUSPENDIDO ANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS ngayong araw, Agosto 18, 2026, alinsunod sa abiso ng Municipal Mayor dahil sa masamang lagay ng panahon.

Pinapayuhan ang lahat na manatili sa ligtas na lugar at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Hinguiwin National High School at ng Lokal na Pamahalaan para sa iba pang mahahalagang update.

Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Mag-ingat po tayong lahat, Hinguiwinners! 🌧️💙

📢 ANUNSYO

Ipinapaalam sa lahat na WALANG PASOK sa LAHAT NG ANTAS (ALL LEVELS) sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw, alinsunod sa abiso ng Municipal Mayor, dahil sa masamang lagay ng panahon.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo para sa iba pang mga update.

Mag-ingat po tayong lahat! 🌧️

MEET THE CANDIDATES | MRS. PTA 2026 The crown awaits, but before the grand reveal, it’s time to meet the remarkable wome...
15/08/2026

MEET THE CANDIDATES | MRS. PTA 2026

The crown awaits, but before the grand reveal, it’s time to meet the remarkable women who will grace the stage of MRS. PTA 2026! ✨

With confidence in their hearts, elegance in their stride, and pride for their respective communities, each candidate is ready to make her mark on this year’s celebration. 💐

📅 August 18, 2026
📍 Hinguiwin National High School

Who will captivate the audience, inspire the community, and ultimately wear the crown? 👑

Your journey begins here, Queen. ✨

🎨: Eve Ethan Panganiban

The stage is set, the muses are ready, and a celebration of grace, confidence, and school spirit is about to unfold! 👑✨M...
15/08/2026

The stage is set, the muses are ready, and a celebration of grace, confidence, and school spirit is about to unfold! 👑✨

Meet the stunning Muses of Hinguiwin National High School as they grace the stage for MRS. PTA 2026 on August 18, 2026.

Each muse carries not only beauty and poise, but also the pride of the organization and community she represents.

Who will shine brightest and claim the crown?
Let the pageantry begin!

📅 August 18, 2026
📍 Hinguiwin National High School

🎨: Eve Ethan Panganiban

📣 PABATID |  Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 126, ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaa...
14/08/2026

📣 PABATID |

Alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 126, ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Quezon ay ililipat sa Alternative Work Arrangement at Alternative Learning Modality (ALM) dahil sa masamang panahon dulot ng .

Kaugnay nito, ipinaaalam ng Hinguiwin National High School na walang face-to-face classes at ipatutupad ang angkop na alternative learning modality para sa mga mag-aaral.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, mag-ingat, at makinig sa mga opisyal na anunsyo ng lokal na pamahalaan at ng paaralan.







Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay susunod sa inilabas na Memorandum Circular No. 126 ng Office of the President Malacañang at lilipat sa ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENT simula 12:01 PM ngayong araw, Agosto 14.

Ito ay kaugnay ng rekomendasyon ng NDRRMC, dahil sa Heavy Rainfall Warning ng PAGASA at patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Samantala, ang mga ahensiyang responsable sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at pagsasagawa ng iba pang mahahalagang serbisyo ay inaatasang magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng kinakailangang serbisyo.

Pinapayuhan naman ang lahat na mag-ingat,maging alerto at agad na sumunod sa ipinag-uutos ng mga lokal na pamahalaan.

𝙷𝚊𝚙𝚙𝚢 𝙱𝚒𝚛𝚝𝚑𝚍𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝙾𝚞𝚛 𝙰𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝙲𝚎𝚕𝚎𝚋𝚛𝚊𝚗𝚝𝚜! 🎂🎉As we celebrate the birthdays of our dear colleagues born in the month of Aug...
05/08/2026

𝙷𝚊𝚙𝚙𝚢 𝙱𝚒𝚛𝚝𝚑𝚍𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝙾𝚞𝚛 𝙰𝚞𝚐𝚞𝚜𝚝 𝙲𝚎𝚕𝚎𝚋𝚛𝚊𝚗𝚝𝚜! 🎂🎉

As we celebrate the birthdays of our dear colleagues born in the month of August, we extend our warmest greetings and best wishes to each of you! 🌟

May this special month bring you abundant joy, good health, success, and countless blessings. Thank you for your dedication, hard work, and invaluable contributions to our school community. Your passion and commitment continue to inspire those around you and make a positive difference in the lives of our learners.

May the year ahead be filled with wonderful opportunities, cherished moments, and happiness with your family, friends, and loved ones. 💙✨

Enjoy your special day and celebrate the amazing person that you are!

🎈 Happy Birthday, August Celebrants! 🎈
Mhei-Mhei Merino
Joel Maquilan Guerra
Creasia Robledo

With love and appreciation,
HNHS Family 💙

04/08/2026
02/08/2026

𝗜𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴! 𝗔𝗻𝗴 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼!

Hitik sa makakasaysayang mga pangyayaring may kinalaman sa pagbubuo ng bansang Pilipinas ang Agosto kaya naman noong 2012, sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 339, idineklara ito bilang Buwan ng Kasaysayan.

Mula sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino at pagtatatag sa Estado ng Haring Bayang Katagalugan noong 1896 sa pambansang antas- hanggang sa pagpapalaya ng lalawigang Tayabas at Araw ni Presidente Quezon sa hangganan ng lokal na kasaysayan sampu ng iba pang mga pangyayaring naitala, hindi maipagkakaila ang saysay sa kasaysayan ng buwang ito. Magandang pagkakataon na kasabay ng kasaysayan ay ipinagbubunyi rin ngayon ang nakasanayan nang pagpapahalaga sa wikang pambansa sapagkat tunay na magka-ugnay at hindi hiwalay sa isa’t isa ang wika at kasaysayan.

Ilan sa mga modernong paaralan sa historiograpiang Pilipino ang may matayog at mahigpit na patakaran sa paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat ng kasaysayan tulad ng Pantayong Pananaw at Bagong Historiograpiang Pilipinong kapwa dinalumat ng mabunying historyador na si Zeus A. Salazar gayon din ng dalumat ng Kasaysayang Bayan mula sa hanay ng kaniyang dating mga mag-aaral na pawang pinagpipitaganan ding mga akademikong historyador mula sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Sapagkat ang wika ay kaluluwa ng bayan. Taglay nito ang pangunahing manipestasyon at pagpapahayag ng kultura ng isang lugar. At kung ayon kay Nick Joaquin, historian at Pambansang Alagad ng Sining- ang kultura ay kasaysayan- ano pa’t wika ang unang daluyan nito!

Yayamang daluyan ang wika ng kasaysayan, maganda ring pagkakataong ang piniling tema ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan para sa taong ito ng pagdiriwang sa Buwan ng Kasaysayan ay may kinalaman sa ating kabihasnang nakabatay sa tubig- “Hinubog ng Bayan, Dinuyan ng Alon”.

Patunay ng ating pagpaparangal sa pamanang kabihasnan at kalinangan ng ating mga ninuno na bumubukal at umaagos sa mga dagat at kailugan bilang lunsaran, tagpuan at batayang likhaan ng ating kasaysayan bago sumapit sa pampang ang mga binhi nito, tumubo at mamunga bilang mga kilusang bayang magbabangon sa ating pagkabansa.

Sa pamamagitan ng kursong Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino bilang kinakailangang aralin sa senior high school, higit ngayong nabibigyan ng atensyon ang mga kasanayang nararapat taglayin ng mga mag-aaral patungkol sa pagkapukaw ng kanilang kamalayang pangkasaysayan.

Padayon sa pag-aaral at pagtatanghal sa kasaysayang bayan!

Ang bawat medalya at pagkilalang inyong natanggap ay bunga ng walang sawang pagsisikap, sakripisyo, at determinasyon. Bi...
27/07/2026

Ang bawat medalya at pagkilalang inyong natanggap ay bunga ng walang sawang pagsisikap, sakripisyo, at determinasyon. Binabati ng buong Hinguiwin National High School ang lahat ng atletang lumahok at nagwagi sa katatapos na Municipal Meet. Patuloy kayong maging inspirasyon sa kapwa ninyong mag-aaral.

Mabuhay ang ating mga #𝐇𝐢𝐧𝐠𝐮𝐢𝐰𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫𝐬! 💙🏅

Address

Quezon National Road, Brgy. Hinguiwin
Padre Burgos
4303

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Hinguiwin National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Hinguiwin National High School:

Shortcuts

Share