05/10/2025
Hindi masukat ang sakripisyo ng isang g**o.
Araw-araw kayong nagtuturo, hindi lang ng leksyon sa libro, kundi ng mga aral sa buhay. ๐
Sa bawat chalk na nauubos, sa bawat oras na ginugugol ninyo sa aming pagkatuto, dala ninyo ang malasakit, tiyaga, at pusong handang magturo kahit pagod na.
Salamat po sa pagiging ilaw ng aming mga pangarap, sa paggabay sa amin kahit minsan matigas ang ulo, at sa paniniwalang kaya namin kahit kami mismo ay nagdududa.
Hindi namin ito madalas sabihin, pero labis kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginagawa. ๐
Maligayang Araw ng mga G**o!
Ang mundo ay mas maliwanag dahil sa inyo. ๐ฉต๐โจ
โ๐ป- Jhillan Jamoles
๐ท- Niรฑa Ghel G. Eslana