05/10/2026
โ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐-๐ฝ๐๐๐ผ๐; ๐๐ผ ๐ฝ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐, ๐๐ผ๐ ๐๐ผ๐-๐ผ๐๐ผ ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ผ๐๐๐ผ๐ฝ๐ผ๐.โ | ๐๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ ๐๐๐ผ ๐๐๐๐!
Para sa mga g**o mula sa Kagawarang Filipino ng Oton National High School, kayo ang nagsilbing inspirasyon sa pag-abot ng aming mga pangarap. Sa bawat aralin, kayo ang kaakibat namin sa pagkamit ng aming mga hangarin sa buhay.
Maligayang Araw ng mga G**o, mga dakilang tagapagtaguyod ng Wikang Filipino! Mula sa Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, lubos po kaming nagpapasalamat sa inyoโmga g**o naming ilaw sa bawat dulo.
Sa bawat titik at salitang inyong itinuro, aming nadama ang alab ng pagmamahal sa wika at kasaysayan. Kayo ang gabay sa aming paglalakbay, pag-asa sa tuwing kamiโy nadarapaโt nangangapa sa buhay. Sa bawat araling inukit ninyo sa aming isipan, nabuo ang pangarap naming may dangal.
Sa tibay ng pusoโt sipag ninyo, patuloy kayong inspirasyon sa aming puso. Sa bawat titik at himig ng inyong pagtuturo, sumisibol ang pag-ibig sa sariling wika at bayan.
Sa bawat salitang inyong binigkas, may aral na aming baon. Sa bawat titik na inyong itinuro, may pangarap na patuloy naming bubuuin. At sa bawat pusong inyong hinubog, mananatili ang inyong bakas ng pagiging isang g**o, isang gabay, isang inspirasyong hindi kailanman malilimutan.โค๐
Maligayang Araw ng mga G**o sa aming mga g**ong tunay na ilaw, gabay, at inspirasyon! ๐ท
**o