07/08/2020
Suportahan natin ang DepEd at ang mga g**o sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto. Wag natin pagtawanan ang mga g**o sa panawagan sa BOND PAPER at I K donations para sa module. Kung sa sahod lang nila manggagaling ang printing expenses ng mga modyul, wala na sa kanilang matitira.
Halimbawa: kung sa isang klase ay may 30 mag-aaral; na may pitong (7) subjects; na magpoprovide ng module at least 5 pahina per week; at halimbawa na lang na P1.00 ang presyo ng printing per page.
(1 class X 30 students X 7 subjects X 5 pages X P1.00/page)= P 4,200.00
P4,200 ang magagastos para sa isang section pa lang para sa isang linggo (take note na di lang 5 pages ang laman ng modules per subject, minsan higit pa sa 10 pages per module). Kaya kung may sampong (10) sections per school, P4,200 na iyon sa isang linggo. i-multiply natin sa apat (4) na linggo bawat buwan =P42,000.00 na iyon. Kung walong (8) buwan ang school year ngayon, gagastos ang isang school ng P336,000.00 para sa printing ng mga modyul.
Isang school pa lang iyan. Libo-libo ang schools sa buong Pilipinas.
Kaya tulungan natin sila sa kanilang hinihinging suporta. Wag natin silang pagtawanan kung ayaw natin silang tulungan.
CCTO
Para sa mga Estudyante📄📇
Be a PARTNER, Be a DONOR😇🙏🙏