03/08/2026
🇵🇭✨ Filipiniana, ngiti, at pagmamahal sa sariling wika, iyan ang bumungad sa unang araw ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa Pedro G. Bañez National High School! 💙❤️💛
Mula sa makulay na Flag Raising Ceremony hanggang sa pagpapasilip ng ating mga eleganteng at makabagong Kasuotang Pilipino at Filipiniana, tunay na ipinakita ng bawat g**o, mag-aaral, at non-teaching personnel ang kanilang pagmamalaki sa ating mayamang kultura at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
📸 Narito ang ilan sa mga masasayang tagpo, makukulay na kasuotan, at mga ngiting sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa sa pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.
Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapayaman sa ating wika habang niyayakap ang makabagong teknolohiya bilang katuwang sa pagkatuto.
🌟 Ito pa lamang ang simula—abangan ang marami pang kapana-panabik na gawain sa buong buwan ng Agosto!