20/08/2026
Isang paggunita sa isa sa mga tunay na magigiting na lingkod-bayan sa kasaysayan ng ating bansa.
Si Ninoy Aquino ay kabilang sa iilang naglakas-loob na manindigan at lumaban para sa demokrasya sa kabila ng diktadura. Ang kanyang pagpaslang ay naging isang mahalagang yugto sa kasaysayan ng ating bayan at nagmulat sa marami upang ipaglaban ang kalayaan at demokrasya.
Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang, paninindigan, at sakripisyo ng mga taong hindi natakot lumaban para sa bayan.