13/07/2026
MAY PASOK | HULYO 14, 2026
May pasok po bukas, Hulyo 14, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bataan, maliban kung may hiwalay na anunsyo ng suspensyon mula sa inyong lokal na pamahalaan o paaralan.
Bagama't inaasahan pa rin ang mga pag-ulan at pagkulog at pagkidlat sa ilang lugar, ang localized suspension ng klase ay maaaring ideklara ng inyong Mayor o School Head, batay sa aktuwal na lagay ng panahon at alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at paaralan para sa anumang update.
Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan. Kung mapanganib ang lagay ng panahon o ang kondisyon ng pagbiyahe sa inyong lugar, gawin ang nararapat upang mapanatiling ligtas ang ating mga mag-aaral.
Mag-ingat po tayong lahat.
MAY PASOK | HULYO 14, 2026
May pasok po bukas, Hulyo 14, sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Lalawigan ng Bataan, maliban kung may hiwalay na anunsyo ng suspensyon mula sa inyong lokal na pamahalaan o paaralan.
Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, wala pong inaasahang heavy rainfall warning bukas. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang lagay ng panahon, maaari pa ring makaranas ng panaka-nakang pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat sa ilang lugar.
Kung kinakailangan, ang localized suspension ng klase ay maaaring ideklara ng inyong Mayor o School Head, batay sa aktuwal na lagay ng panahon at umiiral na mga patakaran.
Hinihikayat ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at paaralan.
Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan. Mag-ingat po tayong lahat.