02/08/2026
UGALIING NAKATUTOK SA OPISYAL NA ANUNSYO NG INYONG LGU UKOL SA SUSPENSYON NG KLASE
Ayon sa pinakahuling Weather Advisory ng PAGASA, bagama't wala pang nakataas na rainfall warning sa Bataan, makakaranas po tayo ng pag-ulan na paminsan-minsan ay posibleng maging malakas dulot ng Tropical Cyclone LUIS at ng umiiral na Habagat simula bukas ng hapon hanggang sa Martes ng hapon.
Dahil magkakaiba ang antas ng pag-ulan at lagay ng panahon sa bawat bayan o lungsod, ang posibleng pagsuspinde ng klase ay nakasalalay sa aktuwal na sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
๐๐๐ข๐ฌ ๐ฉ๐จ ๐ง๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฉ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฌ๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ค๐ฅ๐๐ฌ๐ ๐๐ฒ ๐ฅ๐จ๐๐๐ฅ๐ข๐ณ๐๐, ๐จ ๐ฆ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ก๐ข๐๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฌ ๐จ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ญ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐, ๐๐๐ญ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐ญ๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฐ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ซ๐๐ค๐จ๐ฆ๐๐ง๐๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐ข๐ง๐๐ฎ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ค๐ฎ๐ฉ๐๐ง.
Sa gitna ng inaasahang patuloy na pag-ulan, pinapayuhan ang lahat na masusing tumutok sa mga opisyal na anunsyo ng inyong LGU upang maging gabay sa pagpapasya kung dapat nang lumabas ng bahay ang inyong mga mahal sa buhay.
Hinihikayat po natin ang mga magulang, mag-aaral, at mga g**o na palagiang magmonitor ng mga anunsyo ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at mga paaralan sa ganitong panahon.
Higit sa lahat, unahin po natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral. Bilang mga magulang, tayo po ang may pangunahing responsibilidad na masig**ong ligtas ang ating mga mag-aaral, lalo na sa panahon ng malakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang panganib sa biyahe.