Orani National High School

Orani National High School Mabuhay!

๐Ÿ’™ Isang Taos-Pusong Pasasalamat ๐Ÿ’™Lubos po ang aming pasasalamat kina Ms. Ruchelle Raquel at Mr. Angelo Pineda sa kanilan...
12/08/2026

๐Ÿ’™ Isang Taos-Pusong Pasasalamat ๐Ÿ’™

Lubos po ang aming pasasalamat kina Ms. Ruchelle Raquel at Mr. Angelo Pineda sa kanilang napakagandang pagiging bukas-palad at malasakit sa mga mag-aaral ng SNED (Special Needs Education) ng ating paaralan.

Sa pamamagitan ng kanilang kabutihang-loob, nakapag-donate sila ng isang air-conditioning unit na malaking tulong upang maging mas maaliwalas, komportable, at conducive sa pagkatuto ang silid-aralan ng ating mga mag-aaral ng SNED. โ„๏ธโค๏ธ

Ang donasyong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng HPTA President ng SNED Class na si Mr. Gilbert Diaz, na naging tulay upang maihatid ang tulong na ito sa ating mga mag-aaral.

Maraming salamat po sa inyong pagiging bukas-palad, kabutihan, at malasakit. Ang inyong pagtulong ay may malaking ambag sa kapakanan at pagkatuto ng ating mga mag-aaral.

Tunay na ang edukasyon ay nagiging mas makabuluhan kapag ang paaralan, mga magulang, at komunidad ay sama-samang nagmamalasakit. ๐Ÿ™๐Ÿ’™

Mabuhay po kayo!

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ข๐—ก๐——๐—”๐—ฌ)Dahil sa banta ng masungit na panahon na nararanasan sa Bayan ng Orani, suspendido...
02/08/2026

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ข๐—ก๐——๐—”๐—ฌ)

Dahil sa banta ng masungit na panahon na nararanasan sa Bayan ng Orani, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, ngayong araw Agosto 3, 2026.

Samantala, maaari namang magsagawa ng Alternative Delivery Modes (ADM) ang mga paaralan ayon sa desisyon at patakaran ng kani-kaniyang school administration.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, ligtas, at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya.

Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero:

๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™ˆ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ๐™Š (Temporary) - 0920-948-4964
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0998-598-5364
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™๐™„๐™๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0922-388-5123

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž | ๐—”๐—จ๐—š๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (๐— ๐—ข๐—ก๐——๐—”๐—ฌ)

Dahil sa banta ng masungit na panahon na nararanasan sa Bayan ng Orani, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, ngayong araw Agosto 3, 2026.

Samantala, maaari namang magsagawa ng Alternative Delivery Modes (ADM) ang mga paaralan ayon sa desisyon at patakaran ng kani-kaniyang school administration.

Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto, ligtas, at sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga kinauukulang ahensya.

Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero:

๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™ˆ๐˜ฟ๐™๐™๐™ˆ๐™Š (Temporary) - 0920-948-4964
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™‹๐™Š๐™‡๐™„๐˜พ๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0998-598-5364
๐™Š๐™๐˜ผ๐™‰๐™„ ๐™๐™„๐™๐™€ ๐™Ž๐™๐˜ผ๐™๐™„๐™Š๐™‰ - 0922-388-5123

02/08/2026

Sa kadahilanan na nasa ilalim ng Orange Warning ang buong Bataan, ito po ay nangangahulugan na WALANG PASOK ngayon sa ating paaralan.

Mag-iingat po ang lahat.

๐Ÿ“ฃ PATALASTASInaanyayahan ang lahat ng alumni ng Orani National High School sa isang espesyal na pagtitipon bukas๐Ÿ“… Sabado...
31/07/2026

๐Ÿ“ฃ PATALASTAS

Inaanyayahan ang lahat ng alumni ng Orani National High School sa isang espesyal na pagtitipon bukas

๐Ÿ“… Sabado, Agosto 1, 2026
โฐ 8:00 N.U.
๐Ÿ“ ONHS Mini Covered Court.

Isang pagkakataon ito upang muling makasama ang mga dating kaklase, g**o, kaibigan, at kapwa alumniโ€”at sama-samang balikan ang mga masasayang alaala ng ating minamahal na paaralan. ๐Ÿซโค๏ธ

๐ŸŽ“โœจ ISANG MALAKING PAGBATI SA ISANG NATATANGING ISKOLAR! โœจ๐ŸŽ“Buong puso nating ipinagmamalaki at binabati si JOHN MARK D. B...
31/07/2026

๐ŸŽ“โœจ ISANG MALAKING PAGBATI SA ISANG NATATANGING ISKOLAR! โœจ๐ŸŽ“

Buong puso nating ipinagmamalaki at binabati si JOHN MARK D. BRINGULA (ONHS STE Batch 2020) sa kanyang matagumpay na pagtatapos ng Bachelor of Science in Chemical Engineering sa University of the Philippines Los Baรฑos โ€“ College of Engineering and Agro-Industrial Technology.

๐Ÿ… CUM LAUDE

Hindi lamang pagtatapos ang kanyang ipinagdiriwang, kundi ang bunga ng sipag, tiyaga, dedikasyon, at kahusayan. Higit pang naging makabuluhan ang kanyang tagumpay bilang recipient ng:

๐Ÿ† DOST-SEI Medal for Academic Excellence
๐Ÿ† CEAT Medal for Academic Excellence
๐Ÿ† UP Presidential Medal for Academic Excellence

John Mark, ang iyong tagumpay ay patunay na ang pangarap na sinamahan ng pagsisikap ay nagbubunga ng kahanga-hangang tagumpay. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang iyong paglalakbay sa marami pang kabataang nangangarap na maabot ang kanilang mga mithiin.

We are so proud of you! โค๏ธ๐Ÿ’š

May your knowledge, excellence, and passion continue to create a meaningful impact in the world.

***Kung mayroon kayong alam na kwento ng tagumpay ng ating mga mag-aaral, mangyaring makipag-ugnayan sa page na ito.

๐ŸŽ“โœจ Isang Taos-pusong Pagbati! โœจ๐ŸŽ“Malugod nating binabati ang ating alumnus na si Carl Heubert R. Reyes sa kanyang natatan...
30/07/2026

๐ŸŽ“โœจ Isang Taos-pusong Pagbati! โœจ๐ŸŽ“

Malugod nating binabati ang ating alumnus na si Carl Heubert R. Reyes sa kanyang natatanging tagumpay bilang Cum Laude sa pagtatapos sa Bataan Peninsula State University โ€“ Orani Campus, College of Education.

Tinapos niya ang kursong Bachelor of Technology and Livelihood Education, Major in Industrial Arts, at kinilala rin bilang Outstanding Pre-Service Teacher at Iskolar ng Bataanโ€”isang patunay ng kanyang sipag, dedikasyon, at kahusayan sa larangan ng edukasyon.

Bilang produkto ng Special Science and Technology Education (S.T.E.) Program ng Orani National High School (Batch 3, A.Y. 2016โ€“2020), ipinagmamalaki namin ang iyong tagumpay na nagsisilbing inspirasyon sa kasalukuyan at mga susunod pang henerasyon ng mga mag-aaral.

Nawa'y maging gabay ang iyong mga natamong tagumpay sa patuloy mong paglilingkod bilang isang mahusay na g**o at huwarang mamamayan.

Kung mayroon kayong kwento ng tagumpay ng ating mga mag-aaral, maaaring makipag-ugnayan sa page na ito.

Buong galak at taos-pusong pagbati ang aming ipinaaabot sa mga mahuhusay na mag-aaral na nagwagi sa Pistang Patrona 2026...
30/07/2026

Buong galak at taos-pusong pagbati ang aming ipinaaabot sa mga mahuhusay na mag-aaral na nagwagi sa Pistang Patrona 2026 โ€“ Logo Making Contest na may temang: Birheng Milagrosa: Tanglaw ng Pag-asa at Pagkakaisa.

Ang inyong mga likhang-sining ay sumasalamin hindi lamang sa inyong natatanging talento at pagkamalikhain, kundi maging sa malalim na pag-unawa sa diwa ng ating pagdiriwang at sa debosyon sa ating Mahal na Patrona, ang Birheng Milagrosa de Orani. Sa pamamagitan ng bawat disenyo, naipakita ninyo ang mensahe ng pananampalataya, pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahal sa ating pamayanan.

MGA NAGWAGI

Unang Gantimpala
Lorenzo Carjaval
Orani National High School โ€“ Main

Ikalawang Gantimpala
Reezlyn Maby Carreon
Orani National High School โ€“ Main

Ikatlong Gantimpala
Hireane Rhona Suzuki
JRI Orani

Mga Tumanggap ng Consolation Award

โ€ข Benzi Dion De Guzman โ€“ HRPIOI
โ€ข Janiene Braga โ€“ HRPIOI
โ€ข Anne Rizelle Manalili โ€“ JRI Orani
โ€ข Alex Jaz Benaldo โ€“ ONHS Parang-Parang

Ang inyong dedikasyon, sipag, at malikhaing pag-iisip ay naging inspirasyon sa ating lahat. Nawaโ€™y magsilbi itong simula ng marami pang pagkakataon upang maipamalas ninyo ang inyong mga talento at maging inspirasyon sa kapwa kabataan.

Ang bawat disenyo ay may natatanging kuwento at malikhaing pagpapahayag ng tema ng ating Pistang Patrona. Bagamaโ€™t iisa lamang ang napiling opisyal na logo, ang bawat kalahok ay tunay na nagtagumpay sa pagpapakita ng kanilang husay at pagmamahal sa ating pananampalataya at kultura.

Nawaโ€™y patuloy nating ipagdiwang ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng ating mga talento at sama-samang isabuhay ang diwa ng โ€œBirheng Milagrosa: Tanglaw ng Pag-asa at Pagkakaisa.โ€

Muli, isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nagwagi at sa bawat kalahok. Pagpalain nawa kayo ng Birheng Milagrosa ng Orani at patuloy kayong gabayan sa inyong paglalakbay tungo sa higit pang tagumpay.



Via Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Holy Rosary of Orani

๐ŸŽ‰ ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž-๐—”๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” '๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก๐—œ ๐—›๐—ข๐— ๐—˜๐—–๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐ŸŽ‰๐Ÿ“ฃ Calling all graduates, students, teachers and the whole community of Orani Nati...
27/07/2026

๐ŸŽ‰ ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž-๐—”๐——๐—˜๐—Ÿ๐—” '๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—”๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก๐—œ ๐—›๐—ข๐— ๐—˜๐—–๐—ข๐— ๐—œ๐—ก๐—š ๐ŸŽ‰

๐Ÿ“ฃ Calling all graduates, students, teachers and the whole community of Orani National High School (1997โ€“Present)!

Tag mo na ang lahat ng kakilala mo!

Panahon na upang muling magbalik sa ating minamahal na alma mater, sariwain ang masasayang alaala, at muling makasama ang ating mga dating g**o, kaklase, at kaibigan!

Ang Balik-Adela '26 Alumni Homecoming ay isang espesyal na pagtitipon na naglalayong pagsama-samahin ang lahat ng henerasyon ng mga nagtapos sa Orani National High School. Ito ay pagkakataon upang magkumustahan, magbalikan ng mga alaala, at maging bahagi ng patuloy na pag-unlad ng ating paaralan.

๐Ÿ’™๐Ÿ’› Makisaya. Makiisa. MakiBalik-Adela!

Higit pang detalye tungkol sa petsa, venue, at mga programa ay ipapaalam sa mga susunod na anunsyo.

๐Ÿ“ข Inaanyayahan din namin ang bawat batch na magsimulang makipag-ugnayan sa kanilang mga batchmates upang sama-sama nating gawing matagumpay ang pinakamalaking alumni homecoming ng Orani National High School.

Kita-kits sa Balik-Adela '26! ๐ŸŽ“โœจ

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS! ๐ŸŽ‰Isang taos-pusong pagbati kay LANZ RODNEE D. DELA CRUZ sa kanyang natatanging tagumpay bilang Cum La...
27/07/2026

๐ŸŽ‰ CONGRATULATIONS! ๐ŸŽ‰

Isang taos-pusong pagbati kay LANZ RODNEE D. DELA CRUZ sa kanyang natatanging tagumpay bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Bataan Peninsula State University โ€“ College of Engineering and Architecture.

๐Ÿ… Petron Engineering Scholar
๐Ÿ… DOST Scholar
๐Ÿ… Iskolar ng Bataan

Isang ipinagmamalaking alumnus ng Orani National High School โ€“ Main, STE Batch 2020 at Batch Valedictorian, na muling nagbigay ng karangalan sa ating paaralan sa pamamagitan ng kanyang sipag, dedikasyon, at kahusayan.

Ang iyong tagumpay ay inspirasyon sa buong komunidad ng ONHS at patunay na ang tiyaga at determinasyon ay nagbubunga ng tagumpay.

Binabati ka namin at ipinagmamalaki!
"We are so proud of you! To God be the highest Glory!" ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

***Kung mayroon kayong alam na kwento ng tagumpay ng ating mga mag-aaral, mangyaring makipag-ugnayan sa page na ito.

Congratulations, Mabuhay!Nasungkit ni LORENZO CARVAJAL ng Grade 9 Special Program in the Arts (SPA) ang UNANG GANTIMPALA...
27/07/2026

Congratulations, Mabuhay!

Nasungkit ni LORENZO CARVAJAL ng Grade 9 Special Program in the Arts (SPA) ang UNANG GANTIMPALA at ni REEZLYN MABY CARREON ng Grade 8 Special Program in the Arts (SPA) ang IKALAWANG GANTIMPALA sa PISTA NG PATRONA 2026 LOGO MAKING CONTEST ng Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Rosary of Orani.

Pagbati kina

LORENZO CARVAJAL (1st Place)
Grade 9 SPA,
REEZLYN MABY CARREON (2nd Place)
Grade 8 SPA

Pagbati rin kina

JAYSON N. MAXIMO
SPA Coordinator,

ARIEL M. SANTOS
HT-III, MAPEH,

GLECERIA C. MATEO, EdD
Principal III,

at sa buong pamilya ng ONHS!

Address

Sitio Kawayan, Tugatog
Orani
2112

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Orani National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category