19/08/2026
AGOSTO 19 | ARAW NI MANUEL L. QUEZON
Ngayong araw, ating ginugunita ang kapanganakan ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa at unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas. Siya rin ay naging mahalagang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa bilang instrumento ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
Sa bisa ng Republic Act No. 6741, itinakda ang Agosto 19 bilang Araw ni Quezon, bilang paggunita sa kanyang kapanganakan at pagkilala sa kanyang mga ambag sa ating bansa.
Saludo sa Ama ng Wikang Pambansa!
Patuloy nating pahalagahan, gamitin, at ipagmalaki ang ating sariling wika na sumasalamin sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan.
โ๏ธ Mark Francis M. Acosta || SSLG President
๐ผ๏ธ Reema Jade G. Tolentino || SSLG PIO