26/08/2026
Dear Parents and Learners, please be reminded of our Term 1 Examination.
Letβs prepare, review, and do our best! πͺππ
Good luck, dear learners! Believe in yourself, stay focused, and always remember that your hard work will shine through. π
25/08/2026
π΅π BUWAN NG WIKA 2026 π΅π
βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.β
Malugod na nakikiisa ang Progreso Este Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026. Sama-sama nating ipagdiwang ang kagandahan ng ating wikang pambansa at yakapin ang makabagong teknolohiya bilang katuwang sa paglinang ng kaalaman, pananaliksik, at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.
Mabuhay ang Wikang Filipino! πβ€οΈπ
23/08/2026
π°β¨ ANG UNLAD SILANGAN β¨π°
School Year 2026β2027
Maging bahagi ng aming makabuluhang paglalakbay sa mundo ng pamamahayag!
Basahin at tuklasin ang mga balita, tampok na artikulo, opinyon, at mga natatanging likha ng ating mga batang mamamahayag.
π² I-scan ang QR Code sa poster o i-click ang link sa ibaba upang mabasa ang opisyal na pahayagan ng Paaralang Elementarya ng Progreso Este.
https://q.me-qr.com/pkpe9d20
Halinaβt tunghayan ang mga kwento ng tagumpay, talento, at kaganapan sa ating paaralan!
19/08/2026
Patuloy ang pagpapakita ng malasakit at kabutihang-loob ng AMIGO Association sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang tuluy-tuloy na suporta sa Feeding Program.
Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at pagbibigay ng pag-asa sa ating mga kabataan. Ang inyong pagmamalasakit ay hindi lamang nagpapabusog sa kanilang sikmura kundi nagbibigay rin ng lakas at inspirasyon upang mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain sa inyong bukas-palad na paglilingkod. Sama-sama nating itaguyod ang mas malusog at mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral. ππ²π
11/08/2026
Taos-puso pong nagpapasalamat ang buong pamunuan ng paaralan sa ating masipag at mapagmalasakit na Sangguniang Panlalawigan, Hon. IRENE LOURDES M. MORGADO-ORTIZ, sa inyong bukas-palad na handog na pagkain para sa aming mga mag-aaral. Ang inyong kabutihan at malasakit ay nagbigay ng saya at inspirasyon sa ating mga kabataan.
Lubos din po naming kinikilala at pinasasalamatan ang inisyatiba ni Kap. Elmo Magramo, kasama sina Kag. Jane Gamol, Kag Michael Gacilo, Kag. Amador Servidad at Kag. Keian Dalisay, sa pangunguna at suporta upang maisakatuparan ang makabuluhang gawaing ito.
Maraming salamat din sa mga magulang na sina Maribeth Fales at Ernalyn Dela Vega, ganundin sa mga g**o na naglaan ng kanilang oras, lakas, at pagmamahal sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. Ang inyong pagkakaisa at pagtutulungan ay tunay na sumasalamin sa malasakit at pagmamahal para sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas sa inyong patuloy na paglilingkod sa ating komunidad.
22/07/2026
π Masayang Araw, Busog na Puso! π
Ngayon ay naging mas masaya ang araw ng ating mga mag-aaral dahil sa matagumpay na Feeding Program na isinagawang muli ng AMIGO Association.
Ang inyong ibinahaging pagkain ay hindi lamang nakapagbigay ng busog na tiyan kundi naghatid din ng mga ngiti, saya, at inspirasyon sa ating mga mag-aaral.
Maraming salamat, AMIGO Association, sa pagiging katuwang namin sa paghubog ng mas malusog at mas masayang kinabukasan ng ating mga kabataan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong mga mabubuting gawain.
07/07/2026
π’ Announcement:
To all applicants for AO and PDO, the BEI will be held in OSD district tomorrow both elem and secondary, no need to travel to romblon, for your guidance......
03/07/2026
Attention to all NON-TEACHING Applicants....please be guided.
26/06/2026
Nais po naming ipaabot ang aming taos pusong pasasalamat sa Alpha Phi Omega (APO) Romblon Marble Alumni Association, sa pamumuno ni President NERVIN SEQUITIN, para sa matagumpay na paglulunsad ng BALIK ESKWELA: GIFT-GIVING PROGRAM.
Malaking tulong po ang inyong ipinagkaloob na mga school supplies at food feeding para sa kapakanan at kalusugan ng aming mga mag-aaral. Ang inyong adbokasiya at kusang-loob na paglilingkod ay nag-iwan ng inspirasyon sa puso ng bawat kabataan.
Muli, maraming salamat sa APO at kay G. Sequitin sa inyong patuloy na pagsuporta sa edukasyon.
Pagpalain po kayo ng Maykapalπβ₯οΈ