15/09/2026
Nakiisa ang Provincial Training Center (PTC) Romblon sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa programang may temang โHandog ng Pangulo, Serbisyong Sapat para sa Lahat,โ na ginanap noong Setyembre 14, 2026 sa Odiongan Municipal Covered Court.
Bilang bahagi ng aktibidad, ipinamalas ng PTC Romblon ang mga produktong bunga ng pagsasanay at pagpapaunlad ng kasanayan: ang Pork Tapa mula sa Food Processing NC II at Vermicast mula sa Organic Agriculture Production NC II.
Ang pakikilahok na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsusulong ng PTC Romblon sa skills development, kabuhayan, at produktibong paggamit ng mga natutunang kasanayan upang makatulong sa paglikha ng oportunidad para sa mga Romblomanon.
:SerbisyongSapatParaSaLahat