02/04/2026
The entire SSC Family is so proud of you, our Vanana ๐
"๐๐๐ซ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ง๐จ ๐ค๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐๐ง๐ ๐จ๐ง?"
Sa paggising sa umaga, hindi lang alarm clock ang dahilan kung bakit bumabangon ang isang tao. Minsan, ito ay dahil sa mga pangarap. Minsan, dahil sa responsibilidad. Pero kadalasan, ito ay dahil sa mga taong nagbibigay sa atin ng dahilan para magpatuloy.
Ganito ang kwento ni Avana De Luna Pollos, isang 17 taong gulang na nagtapos ng with highest honors sa strand na Accountancy, Business, and Management. Sa likod ng kanyang tagumpay ay hindi lamang talino at sipag ang kaniyang naging puhunan kundi isang pusong marunong magmahal at magpahalaga sa mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay.
Sa kanyang words of gratitude, nabanggit ni Avana na unang hakbang pa lamang niya sa Senior High School ay agad niyang naranasan ang tinatawag na culture shock. Iba ang kapaligiran at mas mataas ang inaasahan. Hindi naging madali para sa kanya ang lahatโmay mga sandali ng pagdududa, pagod, at pangamba. Ngunit sa halip na matakot sa pagbabago, pinili ni Avana na yakapin ito.
Hindi rin maikakaila na isang aktibong mag-aaral si Avana sa Ocampo National High School. Lumahok siya sa iba't ibang kompetisyon, tumulong sa pag-oorganisa ng mga programa, at nagbigay ng oras sa pagbo-boluntaryo. Sa dami ng kanyang ginagawa, hindi maiiwasang mapagod. Ngunit sa tuwing tinatanong kung hindi ba siya napapagod, simple ngunit makabuluhan ang kanyang sagot: "Oo, [napapagod] pero mahal ko naman kasi ang ginagawa ko, kaya babangon pa rin ako."
Ngunit higit pa sa tagumpay, natuklasan ni Avana ang mas malalim na dahilan ng kanyang pagpupunyagi ang mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay.
Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mga g**o na hindi lamang nagturo ng aralin kundi humubog din sa kanyang pagkatao. At ang kanyang paaralan na nagsilbing pangalawang tahanan-isang lugar kung saan siya natutong mangarap at magsikap.
Nabanggit din niyang bilang dating Special Science Class student, dala niya ang matibay na pundasyon ng kaalaman at disiplina. Sa paglahok niya sa iba't ibang kompetisyon sa Mathematics, nahasa ang kanyang tiyaga at determinasyon. Sa ONHS-Girl Scouts of the Philippines, natutuhan niya ang kahalagahan ng pagiging handa at matatag. Sa larangan ng pamamahayag, natuklasan niya ang kanyang boses at kakayahan. At sa kanyang ABMazing na pamilya na kanya rin naging isang tahanan, naranasan niya ang tunay na diwa ng samahan at pagkakaibigan.
Gayunpaman, sa likod ng lahat ng ito, naroon ang kanyang pamilya. Bagamat ayon sa kanya ay hindi sila expressive sa salita, dama niya ang kanilang pagmamahal sa bawat sakripisyo at suporta.
Hindi rin nawala sa kanyang speech ang kanyang mga kaibigan. Iba't ibang grupo, iba't ibang kwento, ngunit iisa ang naging ambag-ang gawing mas makulay ang kanyang pag-aaral. Para kay Avana, hindi mahalaga kung gaano katagal ang samahan, kundi kung gaano ito naging totoo.
Sa huli, nabigyan niya ng sagot ang tanong na minsang iniwan siyang nag-iisip: "Para kanino ka bumabangon?"
Bumabangon siya para sa mga taong naging bahagi ng kanyang kwento-mga g**ong gumabay, kaibigang sumuporta, pamilyang nagmahal, at mga karanasang humubog sa kanya.
Habang siya ay naghahanda sa pagharap sa panibagong yugto ng kanyang buhay, dala niya ang mahahalagang aral ng nakaraan.
Kaya sa kuwento ng paglalakbay ni Avana, mauunawaan natin na ang bawat pagtatapos ay hindi pala talaga katapusan. Tulad ng bawat umagang gumigising tayo na may dahilan, ang pagtatapos ay isa ring panibagong simula-simula ng mas malalaking pangarap. At sa ating bawat hakbang, dala natin ang alaala ng mga taong naging dahilan kung bakit tayo nagsimula at patuloy na lumalaban.
Lathalain || Maricar Perlora
Pag-aanyo at Disenyo || Mylene Vera