03/08/2026
Pagkilala sa mga Naglingkod, Panunumpa, at Capacity Building ng mga Opisyal ng SPTA
Matagumpay na isinagawa ng Binuangan Elementary School ang isang makabuluhang programa na nagbigay-pugay sa mga naglingkod na opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA) at nagsilbing panibagong simula para sa mga bagong halal na opisyal.
Taos-pusong pasasalamat sa mga naging opisyal ng SPTA, sa pangunguna ni Gng. Marilou Delos Reyes sa kanilang tapat na paglilingkod, dedikasyon, at mahalagang ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating paaralan. Ang inyong suporta at pakikiisa ay naging malaking bahagi ng ating mga tagumpay.
Binabati rin namin ang mga bagong halal na opisyal ng SPTA na pinamumunuan ni G. Walter Rivera. Nawa'y maging gabay ninyo ang diwa ng malasakit, pagkakaisa, at pananagutan sa inyong panunungkulan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral at ng buong komunidad ng paaralan.
Lubos din naming pinasasalamatan si Kagawad Aljohn Jeff Mendoza, Chairperson ng Committee on Education, sa kanyang presensya at sa pangunguna sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng SPTA.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng Capacity Building para sa mga bagong halal na opisyal sa pangunguna ng ating Punongg**o, Gng. Joerlin de Guzman, upang higit na mapalakas ang kanilang kaalaman, kakayahan, at pamumuno sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.
Sa sama-samang pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at komunidad, patuloy nating maisusulong ang isang ligtas, inklusibo, at de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang Binuangan.