03/10/2026
Inter-Mystery Hymns
(This hymn is sung after every Mystery of the Holy Rosary)
1
Tayo ay manikluhod sa Birheng Ina ng Diyos.
Rosaryo ay dasalin ng mataimtim.
Rosaryo ay dasalin ng mataimtim.
2
Halina'ng lahat at makiisa
sa pagdasal ng Rosaryo ni Maria,
aliw at ligaya sa pagdurusa.
Sa pagdasal ng Rosaryo ni Maria,
aliw at ligaya sa pagdurusa.
3
Ang 'yong Rosaryo, Inang Mahal
kapayapaan ng sanlibutan.
Ang 'yong Rosaryo, Inang Mahal
ay kaligtasan ng sanlibutan,
ay kaligtasan ng sanlibutan.
4
Mabuhay ang Birhen, Mabuhay ang Rosaryo,
Mabuhay Santo Domingo na nagtatag nito.
Mabuhay Santo Domingo na nagtatag nito.