22/08/2026
Appreciation Post | ๐๐๐ ๐๐๐ง
"๐ซ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐."
Sa bawat baitang tayo'y tinuruan, hinubog, at tinulungan. Maraming ๐ก๐๐ ๐๐๐ง na tayong naraanan; magkakaiba man ang istilo ng bawat hagdan na ating nakaharap, iisa pa rin ang ninanais at layunin nito---maiangat ang bawat isa sa mataas na paroroonan.
Sa buhay nating mga estudyante, ang lahat ng ating mga ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ang nagsilbing ๐ก๐๐ ๐๐๐ง. Mga pangalawang magulang tuwing tayo'y nasa loob ng paaralan. Mga g**ong hindi nawawalan ng ngiti sa araw-araw. Mga g**ong pilit pumapasok kahit may dinadalang problema at walang laman ang tiyan. Mga g**ong may iisang layunin hindi lamang makapagbigay kaalaman o kabatiran, kundi tulungan at hubugin ang bawat mag-aaral. Kaya naman sila ang nagsilbing ๐ก๐๐ ๐๐๐ง.
G**o, marahil para sa iba ang buhay ng isang g**o ay umiikot lang sa pagtuturo, ngunit ang buhay nila ay mas malalim at higit pa. Kung iisipin ang g**o ay punong-puno ng gawain---walang katapusan. Ang buhay ng isang g**o ay nahahati sa labas at loob ng paaralan. ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐๐จ๐ค, ๐ข๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ง. Hindi lamang puro aralin at aktibidad na may kaugnay sa pag-aaral nakatuon ang attensiyon nila, sila rin ang naging sandalan at ating naging kaibigan sa gitna ng kalungkutan. Ang kalungkutan ng bawat estudyante ay kalungkutan rin nila. Marami nang iba't-ibang kuwento ang kanilang napakinggan, marami na rin ang mga estudyanteng dinamayan at natulungan.
Hindi lang sila naging tanungan lamang sa asignatura naging takbuhan din sila kapag may problema. Naging tagapagpayo at karamay din ng bawat mag-aaral at naging higit pa sila sa kung ano man dapat ang isang g**o.
Ang isang hagdan ay kinakailangang maging matibay, tibay na hindi lamang kakayanin ang bigat ng bawat tao o estudyante, bagkus, tibay na kayang harapin ang sunod-sunod na pag-akyat, pagtapak, at walang katapusang suliraning kahaharapin. Ang layunin ay kinakailangang sa bawat baitang hindi lamang makapagbigay aral---maihanda ang bawat estudyante sa pagsubok na kahaharapin sa paglagpas at pagtuntong sa itaas o landas na tatahakin. Tulad ng isang hagdan, ang mga yapak, tapak, hirap at sakit ay handang tanggapin at kakayanin upang maihatid ang bawat estudyante sa tuktok na paroroonan.
Kung mawawala ang ating mga g**ong nagsisilbing hagdan, pa'no na lamang natin maaabot ang matataas nating pangarap.
Ang pagpapasalamat ay isang malaking bagay hindi man materyal ngunit pumapawi sa lahat ng pagod ng ating mga ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ. Marahil man na ang mundo ay kumalaban sa inyo, naririto kami mga estudyanteng inyong hinubog, handang tumayo at kayo'y damayan sa lahat ng sulirining inyong kinakaharap hindi man bilang isang estudyante, kapamilya, kaibigan, kundi bilang isang taong tumatanaw ng pasasalamat. Pasasalamat para sa pagsisilbing ๐ก๐๐ ๐๐๐ง para sa aming mga pangarap.
Tayo naman ang magbibigay ng lakas at suporta para sa bawat isa---๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ ๐ข๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ! ๐ฉโ๐ซ๐จโ๐ซ
| Written by: Ruel Sabino | Governor
| Layout by: John Alpi S. Urasaga | P.I.O.