06/01/2025
GADvocates, alam mo ba?
Noong Enero 6, 1812, ipinanganak si Melchora Aquino o mas kilala bilang Tandang Sora, ang Ina ng Rebolusyon. Binuksan niya ang kaniyang tahanan para sa mga katipunero, kinupkop sila, pinakain at binigyan ng kaunting salapi, at itinuro ang mga ligtas na lugar upang makaiwas sa pag-uusig ng mga Kastila. Dahil sa kanyang pagtulong sa Katipunan, siya ay inaresto ng mga Guardia Civil, ikinulong sa Bilibid Prison sa Maynila, at ipinatapon ng mga Espanyol sa Guam, kung saan siya nanilbihan ng pitong taon. Bumalik si Tandang Sora sa Pilipinas noong Pebrero 26, 1903, sa edad na 91. Namatay siya noong 1919 sa edad na 107.
Noong Enero 6, 1975 ay ipinagdiwang ng Pilipinas ang kaniyang kaarawan kasabay ng selebrasyon ng International Womenโs Year ng United Nations.
Kinabukasan nito, Enero 7, 1975, itinatag ang unang national women machinery sa Asya - ang National Commission on the Role of Filipino Women, na ngayoโy kilala bilang Philippine Commission on Women. Maaari rin itong ituring na โIna ng Gender Equality at Women Empowermentโ sa Pilipinas.