03/05/2021
“Part of being a person is about helping others.”
Magandang umaga...
Ang aming grupo na LINK CLUB kasama ng WFHS SSG, ESP Club, at marami pa pong iba ay humihingi po ng inyong pagsuporta at kahit anong uri ng tulong para po sa pangalawa po nating proyekto na nasa ilalim ng Project FairvianCare, ang na magsisilbi pong tulay mula sa inyong mga puso patungo po sa mga taong hirap na hirap po sa gitna ng pandemya. Ang mga malilikom po na donasyon ay dadalhin po sa napagkasunduang community pantry ng grupo.
Ang layunin po nitong proyektong ito ay makatulong po kahit sa maliit lamang na paraan upang malagpasan po natin ang hirap lalo na po ay nasa gitna tayo ng pandemya.
Marami pong mamayang Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil po sa pandemya kaya libo libong Pamilya sa ating bansa ang walang maihain sa kanilang hapagkainan ngunit alam po naming marami rin ang may mabuting kalooban na handang magsilbing ilaw sa mga nangangapa po sa dilim.
Maliit man o malaki, tulong pa rin itong maituturing.
Sa mga donasyon maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na Tao:
SSG President:Viviane Aguinaldo
SSG Secretary:Elizabeth Reginio
SSG Adviser:Sir Renor Villaluz
Link Club Adviser: Ma'am Ailyn Gaspar
Interact Adviser: Ma'am Cherryl Hebrado
ESP Club: Ma'am Roxanne Purificacion
Gcash no. :09478310407-Hana Kristina C. Villarin(WFHS SSG)
Gcash No.: 09471596677-Salvacion Clar de Jesus(Interact Club)
Gcash No.:09773303008-Ailyn Gaspar(Link Club)
(any amount will do)
Maraming maraming salamat po. Tayo po ay magkaisa lalo na sa suliraning kinakaharap natin.