19/08/2026
๐๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฉ, ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ข๐ง๐ญ๐ฎ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ค๐จ๐ญ
Paano kung ang pintuang pinapasukan natin upang abutin ang ating mga pangarap ay siya ring pintuang lalabasan natin na may takot? Ang paaralan ay dapat maging kanlungan ng kaalaman, pagkakaibigan, at pag-asaโhindi pugad ng karahasan. Ang naganap na pamamaril sa Ateneo de Zamboanga ay isang mabigat na paalala na walang lugar ang karahasan sa anumang pamayanang pang-edukasyon. Sa isang iglap, ang lugar na dapat ay puno ng tinig at tawanan ng kabataan ay maaaring mapuno ng pangamba. Kaya hindi sapat na tayoโy makiramay lamang; kailangan nating kilalanin ang mga panganib, tutulan ang karahasan, at sama-samang ipaglaban ang karapatan ng bawat mag-aaral na matuto nang ligtas.
Sa gitna ng pagkabigla, pangamba, at galit, nananawagan ang New Lucena National High School โ Supreme Secondary Learner Government na pairalin ang kabutihang-asal kaysa sa bugso ng damdamin. Huwag nating gawing laruan ang isang trahedya sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga larawan, bidyo, o impormasyong hindi pa napatutunayan. Ang isang maling balita ay maaaring maghasik ng higit na pangamba, samantalang ang paulit-ulit na pagpapakita ng karahasan ay maaaring magdulot ng paggaya, lalo na sa murang isipan. Sa panahon ng mabilis na pagpapalitan ng impormasyon, ang tunay na pananagutan ay hindi lamang nakasalalay sa kung ano ang ating nalalaman, kundi sa kung ano ang pinipili nating ipakalat, paniwalaan, at ipakita sa iba.
Hindi natin kailangang maging pinakamalakas na tinig upang labanan ang karahasan. Kailangan nating suriin kung anong mga sistema at kalagayan ang nakapaligid sa kabataan at maaaring nagtutulak sa kanila upang maligaw. Sa bawat impormasyong sinusuri natin, larawang pinipili nating huwag ipakalat, galit na natututuhan nating kontrolin, at kapwang pinipili nating unawain, unti-unti nating binubuo ang paaralang nararapat para sa bawat kabataan.
Sapagkat walang saysay ang mga medalya sa dingding kung ang mga batang dapat sanang nagtatayo ng kinabukasan ay unti-unting tinuturuan ng takot. Ang tunay na tagumpay ng isang paaralan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng parangal, matataas na marka, o mga tropeong nakahilera sa entablado. Mas mahalaga ang bawat batang nakapapasok nang may pag-asa at nakauuwi nang ligtas.
Dahil ang paaralan ay dapat maging pintuan patungo sa pangarapโhindi pintuan patungo sa takot. At ang bawat pangarap ay may halaga lamang kung ang nangangarap ay nabibigyan ng pagkakataong mabuhay, matuto, at makauwi nang ligtas.
๐๐ง๐๐ฉ๐๐ง: Samantha M. Hembra, SSLG President
๐๐๐๐ฉ๐ค๐ง: Genevieve S. Huesca, SSLG Adviser
๐๐ช๐๐ข๐๐ฉ ๐๐๐ฎ-๐ค๐ช๐ฉ: Edward G. Bangeles, SSLG Auditor