Defender of Ahlu Sunnah wal Jama'ah

Defender of Ahlu Sunnah wal Jama'ah Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Defender of Ahlu Sunnah wal Jama'ah, Educational Research Center, New Lucena.

Magbigay ng Kaalaman sa Kahalagahan ng Pagsunod sa Qur'an at Sunnah sa pamamagitan ng Sugo ng Allah صلى الله عليه و سلم at nang kanyang mga Pamilya at mga Sahabah bilang mga As-Salaf As-Salih رضوان الله عليهم جميعا

18/01/2022

Hadith 01 : " Ang lahat ng mga gawa ay nakabase sa mga intenyon"..

Pagpapliwanag ng 40 Hadith na tinipon at inilathala ni Imam Nawawi (Muharram 631-Rajab 676)
na binigyan ng Sharh(Explanation) ni Sheikh Al-Al-lamah Muhammad bin Saleh Al-'Uthaimeen Ramadhan 1347-Shawwal 1421) رحمهما الله ربي سبحانه

14/06/2021

ANG PAGHAWAK NG DUMI O IHI AY NAKAKASIRA BA NG WUDU?

Hindi po kabilang sa nakakasira ng Wudu ang pagkahawak o pagkaapak ng ihi o dumi na mula sa tao, ibon o hayop.

Kapag ang dumi o ihi ay mula sa hayop na makain ang laman nito tulad ng kambing, baka, kamelyo o usa at iba pang hayop na halal kainin ang laman ay hindi obligadong hugasan ang kamay na nakahawak o nakaapak ng nasabing dumi.

Kung sakali siya ay nagsalah (nagdasal) na walang paglinis sa sa kanyang mga kamay o paa ay ang kanyang dasal (Salah) ay tanggap!!

NGUNIT KUNG ITO AY KANYANG HUHUGASAN AY SIYANG MAINAM SA LAHAT!!

Kapag ang dumi o ihi na nahawakan o naapakan ay mula sa hayop na hindi halal kainin ang laman nito o ang dumi o ihi ay mula sa tao bata man ito o matanda ay kailangan hugasan ang kamay na nakahawak ng dumi o ihi.

Kailangan din hugasan ang katawan na nabuhusan ng ihi
Ngunit hindi na kailangan magsagawa ulit ng panibagong Wudu, dahil hindi kabilang sa nakakasira ng Wudu ang pagkahawak ng dumi o ihi.

Tungkol naman sa damit na naihian ng bata na gagamitin sa Salah, Ang bagay na ito ay may tatlong kalagayan:

1-Kapag ang ihi ay lumabas mula sa sanggol na batang lalaki na hindi pa kumakain ng anumang pagkain, bagkus nakadepende pa lamang siya sa gatas ng kanyang ina, anuman ang naihian nitong damit ay hindi na kailangan labhan o kuskusin ang nasabing damit, sa halip ay kanya na lamang buhusan ng tubig ang parte na tinamaan ng ihi at pagkatapos ay maaari na niya itong gamitin sa pagdasal kahit pa man ito ay basa pa!.

2-Ngunit kung ang ihi ay mula sa sanggol na batang babae, nararapat niyang labhan ang nasabing damit na tinamaan ng ihi bago niya ito gagamitin sa pagdasal (Salah).

3-Ang batang lalaki at ang batang babae na kumakain na ng pagkain maliban sa gatas ng kanyang ina ay kailangan ng labhan ang damit na kanyang naihian bago gamitin ito sa pagsalah.

DALEEL SA USAPIN:

Naiulat mula sa Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan),
may isang sanggol na batang lalaki na dinala sa Propeta at kanya itong inilagay sa kanyang kandungan at ang bata ay nakaihi sa kanya. Kaya, ang ginawa ng Propeta ay humiling na lamang ng tubig at kanyang binuhusan ang parte na naihin ng sanggol at hindi na niya nilabhan ang nasabing damit"

عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه جيء بابن صغير فوضعه في حجره فبال عليه، فدعا بماء فأتبعه

✍️ Zulameen Sarento Puti

06/06/2021
ANO ANG HATOL SA NADILAAN, NAINUMAN O NASAGI NG A*O ANG ISANG BAGAY TULAD NG DAMIT, KAGAMITAN SA KUSINA ETC..? PAUNANG S...
06/06/2021

ANO ANG HATOL SA NADILAAN, NAINUMAN O NASAGI NG A*O ANG ISANG BAGAY TULAD NG DAMIT, KAGAMITAN SA KUSINA ETC..?

PAUNANG SALITA:

Ang pag-aalaga ng a*o sa loob ng tahanan ay hindi ipinahintulot sa kadahilanang:

1- Ang mga anghel ay hindi papa*ok sa loob ng tahanang may a*o

2-Mababawasan ang gantimpala ng taong nag-aalaga nito ng isa o dalawang Qeerat bawat araw

3-Ang gamit na madidilaan nito ay marurumihan. Ang tanging paraan para mawala ang dumi ay huhugasan ng pitong beses ng tubig at ang isa rito ay mula sa lupa.

Ngunit ganunpaman, Ipinahintulot din ang pag-aalaga ng a*o sa tatlong kadahilanan:

Ang a*o ay:
1-Tagabantay
2-Mangangalaga sa pananim at hayop
3-Gagamitin sa panganga*o (hunting).

Sinabi ng Propeta: "Sinuman ang mangalaga ng a*o na maliban sa a*ong ginagamit sa panganga*o (hunting) o tagabantay ay mababawasan ang kanyang gantimpala ng dalawang Qeerat bawat araw" Inulat ni Imam Albukhari

Sa ibang salaysay ng Propeta: "Hindi papa*ok ang mga anghel sa tahanan na mayroong a*o o larawan" inulat ni Imam Albukhari.

Kapag inaalagaan ang a*o bilang tagabantay, kailangan siyang gawan ng sariling kulungan na hindi makakapa*ok sa loob ng tahanan upang hindi madilaan, mainuman o masagi ang mga gamit sa hapag-kainan o ang mga damit etc…

ANO ANG HATOL KAPAG NADILAAN O NAINUMAN NG A*O ANG ISANG BAGAY TULAD NG KAGAMITAN PANG KUSINA ETC..?

Halos karamihan sa mga pantas (Jamhoor) ay nagsabi na ang laway, nadilaan o napag-inuman ng a*o ay marumi.

Kapag nainuman, nadilaan o nalawayan niya ang isang gamit higit sa lahat gamit pangkusina ay kailangan itong hugasan ng pitong beses ng tubig at ang isa rito ay lupa.

ANO ANG HATOL KAPAG NASAGI NIYA ANG ISANG BAGAY TULAD NG DAMIT?

Kapag kanyang nasagi ang isang bagay tulad ng damit at ang bagay na kanyang nasabi ay nabasa mula sa kanyang laway o ihi ay kailangan din itong hugasan ng pitong beses na may isang beses ng paghugas ng lupa,

Ngunit kung ang nasabing bagay ay hindi nabasa ay wala namang problema hindi mo hugasan, ngunit kung nais mong hugasan ay nasa sa iyo.

Ang pinaka mainam sa lahat ay huwag papasukin sa loob ng tahanan ang a*o upang iwas sa dumi nito at ang mga anghel ay papa*ok sa loob ng tahanan kapag walang a*o sa loob.

DAGDAG KAALAMAN:

Kung ang iyong tahanan ay sa lugar na matao, walang dahilan para mag-alaga pa ng a*o at iwasan na mabawasan ang iyong gantimpala!

Ngunit ikaw ay nanahanan na malayo sa kabahayan at nangangamba mula sa mga masamang tao, Ipinahintulot sa iyo na mag-alaga ng a*o bilang tagabantay ngunit sa kundisyon na ilayo ito sa iyong tahanan at huwag itong hawakan!

PINAGKUHANAN NG BATAYAN:

حديث: "إذا ولغ الكلب في إناء أحدكم ، فليرقه ، ثم ليغسله سبع مرات ) . وزاد مسلم ( أولاهن بالتراب ) البخاري بحاشية السندي 1/44 مسلم 1/234

حديث: "لا تَدْخُلُ المَلائِكَةُ بَيْتًا فيه كَلْبٌ ولا تَصاوِيرُ "صحيح البخاري
حديث: "مَنِ اقْتَنَى كَلْبًا، إلَّا كَلْبًا ضارِيًا لِصَيْدٍ أوْ كَلْبَ ماشِيَةٍ، فإنَّه يَنْقُصُ مِن أجْرِهِ كُلَّ يَومٍ قِيراطانِ" صحيح البخاري
Mula sa ating G**o :
Sheikh Zulameen Puti حفظه الله سبحانه

Narito ang ating pagsagot sa mga punto ng depensa ni Eisa Javier sa mga Fatwa ng kapatid niyang si Ahmad Javier (هداهما ...
01/05/2021

Narito ang ating pagsagot sa mga punto ng depensa ni Eisa Javier sa mga Fatwa ng kapatid niyang si Ahmad Javier (هداهما الله إلى سواء السبيل)

1. Sa usapin ng Music, paulit-ulit na sinasabi ninyo na mayroon "daw" mga Ulama na nagsasabing allowed ang Music. Gaya ng sabi natin sa kapatid na si AJ dati pa, oo may naghold ng ganoong pananaw PERO hindi mu'tabar o considered ang opinyon na ito dahil ito ay TALIWAS sa IJMA' (concensus) ng mga ULAMA na ang music ay HARAM.

Balik tayo sa BASIC.

Ano ba ang 4 sources ng kaalaman sa Islam? Quran, Sunnah, Ijma' at Qiyas. Ang opinyon ng Dhāhiriyyah na allowed ang music ay TALIWAS sa ijma' (pinagkaisahan) ng majority ng mga Fuqaha. Anumang TALIWAS sa 4 sources ng 'ilm ay hindi katanggap-tanggap sa Shari'ah. Kaya bakit ang isang "ISOLATED" na opinyon ang inyong pinagpipilitan? Bakit hindi ninyo tignan ang MAJORITY ng mga Fuqaha kung kayo ay makatotohanan na Haqq ang inyong gusto?

Simple lang naman ang aming hinihingi dati pa. Produce evidence/proof if you are TRUTHFUL sainyong CLAIMS. Magbigay kayo ng KAHIT ISA, KAHIT ISA LANG na mapagkakatiwalaang 'Alim (maalam) galing sa mga Salaf na nagpatunay na pinapahintulutan ito. Kung wala kayong maibigay dahil WALA NAMAN TALAGA, katakutan ninyo si Allah at ibasura ang opinyon ni Mughamisiyy na kabilang sa LIGAW NA SEKTA kung saan kayo kumuha ng batayan sa pagiging allowed ng Music. Sa mga hindi nakakaalam, ang opinyon ni Mughamisiyy ang siyang ginamit ni Ahmad Javier dati, trinanslate niya lang sa tagalog ang mga sinabi ng taong ito.

*Sa pagsasabing Media practitioner, film maker, at vlogger daw si AJ, katakutan ninyo ang Allah. Matuto kayong paghiwalayin ang inyong mkamundong kagustuhan at wag ninyo itong IKABIT sa Deen ni Allah lalo pa kung walang matibay na basehan ang inyong gustong ikabit.

Kailangan ba talaga ng music para magbigay ng da’wah? Hindi ba makikinig ang mga tao kung wala kayong music na ginagamit?

*Kung gusto niyang maging vlogger o media practioner, diyan nalang siya mag focus at huwag niyang ihalo ang kung anong gusto niya sa Deen na ito.

*Kung gusto niyang maging da'iyyah alang-alang Kay Allah, ay dapat isuko niya ang kung ano ang sarili niyang kagustuhan at magfocus siya sa pgbibigay ng da'wah at sa anong kaya niya. Kung totoong sincere siya sa kanyang ginagawa LILLAHI TA'ALA ay dapat iwasan nya ang mga bagay na nagdadala ng kalituhan sa mga tao, at nagiging ugat ng fitnah sa isip ng mga Muslim.

2. Sa isyu ng pagnanasa sa kapwa lalaki sa Jannah, hindi na sana dapat ito pag usapan dahil nag taraju' na si AJ dito pero dahil binanggit ni Eisa Javier ito raw ay IJTIHAD ni AJ, Allahul Musta'ān, kailan pa naging qualified si Ahmad Javier mag ijtihad? Bakit napakadali sa atin bitawan itong salita?

Narito ang mga kondisyon ng Ijtihad:

*Al Islam- Hindi maaaring kunin ang Ijtihad (scholastic opinion) ng isang Kafir.
*Al Aql [sanity] - hindi pwedeng kunin ang opinyon ng may deperensya sa pag-iisip.

*Al buloogh [puberty] -hindi maaaring kunin ang opinyon ng bata dahil maaaring doon lamang siya nakabatay sa kaniyang nasaksihan at sa balitang nasagap niya.

* Ang Kaalaman sa mga Daleel sa Qur'ān na mayroong kinalaman sa mga Kahatolan (Ahkām).

*Kaalaman patungkol sa mga Ahadeeth na may kinalaman sa mga Ahkām.

*Ang kaalaman patungkol sa Mustalahul hadeeth o mga batas ng hadeeth kung ito ba ay saheeh o daeef at iba pa. Upang hindi siya makapag-fatwa na nakabatay sa Daeef na hadeeth.

*Kaalaman patungkol sa Ijmā' (concensus ng mga Ulama) upang hindi siya makapag fatwa ng inaakala nyang Ijmā' na hindi naman ito Ijmā' o di kaya ay makapagfatwa na hindi ito Ijmā' samantala Ijmā' ito ng mga Ulama.

*Kaalaman sa Qiyās (scholastic analogy) dahil ito ang batayan ng Paghahambing sa mga bagay na Ijtihadiyy. Kung saan matutukoy ng Mujathid kung maaari ba iqiyas o hindi ang isang usapin.

*Kaalaman tungkol sa wikang Arabo sa syntax at grammar nito. Upang malaman niya paanong pag-bukorin ang mga Ahkām na ang batayan nito ay ang Wikang Arabo, kung ito ba ay sa mababaw na Kahulugan nito uunawain o sa pangakalahatan ba o sa detalyado ba etc .

*Ang kaalaman tungkol sa Nāsikh at Mansookh [abrogated rulings and their abrogators] upang hindi siya makapag fatwa ng usaping napawalang-bisa na.

*Kaalaman sa Usoolul Fiqh at sa mga Qawāid nito (fundamentals of jusristic jurisprudence and its principles), upang hindi siya makapagsalita ng mga bagay na hindi nakabatay sa mga prinsipyo fundamental ng Fiqh sa Sharee'ah at di siya makalabas sa sirkular ng mga Fuqaha.

Sa mga qualifications na nabanggit, saan siya dito naging KWALIPIKADO? Dahil baka meron nga at hindi namin alam.

Sa huling mensahe mo naman kapatid na Eisa Javier sa panawagang maging Adil o makatwiran na unawain ang mga kapahayagan, hindi bat si Ahmad ang hindi malinaw sa kanyang mag pinagsasabi? Kailangan kapag deen pinag-uusapan, MALINAW na maunawaan ito. Simula ng mga fitnah na fatwa niya kayo ang hindi makatarungan. Dahil kung makatarungan kayo ay sasangguni kayo sa mga mas nakapag-aral sainyo, at sinuri niyo sana ang inyong mga sarili pagkatapos ng hindi mabilang na payo ng mga may mas kaalaman sainyo.

Isa pa, sino ba ang nagyayabang dito ng DIPLOMA?

Ang pagpayo ba sa mga tao na doon tumugon sa mga mas nakakaalam ay pagyayabang sa Diploma? Kayo ang dapat makatarungan sainyong mga tagasunod. Maraming ayah sa Quran, at ahadeeth, mga hindi mabilang na athar ng mga Salafus Saleh ang nagdidiin sa mga tao na bumalik lagi sa mga nagsunog kilay sa pag-aaral sa Deen na ito.

Sa lohika, dahil paborito niyo ito. Kung sasabihin ba natin na sa DOCTOR tayo lumapit kung gusto natin ng taong mapagkakatiwalaan sa kanyang trabaho at huwag sa ALBULARYO, ito ba ay pagmamalaki sa diploma?

Kaya mga kapatid, ang pagsabi ng mga Ulama ngayon na bumalik sa mga mas nakapag aral sainyo ay hindi panghahamak, o pangmamaliit, ito ay upang ipaalam lamang sa inyo ng Kapatid mo na HINDI siya Muahhal (QUALIFIED) na magbigay ng Fatwa. Naging dahilan ito sa patuloy na fitnah dahil sa kanyang mga kamalian dahil hindi niya ito pinapaubaya sa mga kwalipikadong tao.

Alalahananin natin na ang pagdepensa sa Bātil ay Bātil.

Gabayan nawa tayo ni Allah sa wastong unawa at alisin Niya nawa ang Kibr sa ating puso na siyang humaharang dito.

27/04/2021

⚠️FOLLOWER|BLIND FOLLOWER

Questions with answers:

1.Bakit may magkakaibaibang paniniwawala? Lahat naman tayo Muslim?

Sagot:

Si Satanas na hindi nakikita at si Satanas na nakikita ang ang may kagagawan.

Niligaw ni Satanas na hindi nakikita si tao kaya naging satanas din kung saan nililigaw din nya ang kapwa nya tao.

Sa una, ikalawa at ikatlong siglo ng Islam mula sa panahon ni Prophet Muhammad SAW ay iisa lng ang ‘aqeedah, iisa ang puso ng mga Muslim, iisa ang sinusunod ng mga Muslim, iisa lng kanilang linya.

Hanggang sa ikaapat na siglo ng Islam ay dumating ang ibat-ibang paniniwala kaya nalikha ang katawagan Ahlusunnah Wal Jamaah kung saan tinatawag ito sa mga taong nangalaga at nagtannggol ng tunay na katuruan ng Islam, nalikha ang katawagan na ito dahil hindi na malaman kung kanino ang tama dahil lahat nagsasabi Muslim daw.

Sa pagdaan ng ilang siglo ay mas lumalala.

Hindi ito nakakapagtaka dahil nabanggit ito sa propesiya ng Propeta Muhammad SAW kung saan magkakawatak watak ang mga Hudyo sa 73 sekta, ang mga kristiyano naman ay 72 sekta at ang Ummah naman ay 71 sekta at isa lang rito ang makakaligtas, sino?

Ang sumunod sa Quran, Sunnah at Ijmah ng mga salaf Assalih hindi sa sasariling opinion lamang.

Swerte ang manghahawak sa katotohanan.

Mapayapa at nagkakaisa ang mga Muslim noon dahil iisa din ang aqeedah at walang ligaw na mangangaral.

2.Bakit ang mga ulamah at duat lng ang nagsisiraan at naglalaban?

Sagot:
Para sa iba, kapag tinuwid ang mga duat at mga ustadh ng mas nakakaalam sakanila ay pagsisiraan daw.

Kapag binigyan ng babala ang mga tao na huwag makinig sa mga taong ito, sapagkat, ang makukuha mong kaalaman sakanila ay mali ay pagsisiraan daw.

Tandaan mo,kaligtasan mo ang nakasalalay rito.

3.Naguguluhan na ako, alin ang tama at kanino ako kakampi?

Sagot:
Naguguluhan ka kung emosyonal ka, naguguluhan ka kung hindi bukas ang isipan mo, naguguluhan ka kung hindi mo kayang tanggapin ang totoo, naguguluhan ka kung nagbubulagbulagan ka.

4.Paano malalaman kung sino ang nasa tama?

Sa pagsunod sa Quran
Sa pagsunod sa Hadeeth na mga authentic
Sa pagsunod sa Ijmah ng mga sahabah
Sa pagsunod sa mga Kibaar o mga malalaking ulamah.

Kung ito ang sinusunod nila ay nasa tama sila.

Pero kung ganito:

Sinusunod daw ang Quran at Sunnah pero binibigyan ng sariling opinion, pananaw, paliwanag at reakasyon ang mga talata nito.

Ito ay hindi na dapat sundin o pakinggan.

Dahil dito ay nakabitaw ng maraming pagkakamali, mga maling paniniwala at hatol na nagpaligaw sa karamihan.

5.Kunin ang tama iwan ang mali.

Hindi ka independent seeker para sabihin mo yan, paano mo malalaman ang mali at tama? Isa kabang Ulamah na kaya nilang ipaghiwahiwalayin ang mali at tama?

Paano kung akala mo mali pero tama pala at yung tama mali pala?

Kaya nga dapat sumunod lamang sa mga Ulamah na may matutuwid na aqeedah na sumusunod sa tunay na mga saligan ng Islam.

6.Bakit kailangan ipublic?

Kapag gumawa ng kaligawan sa publiko ay dapat publiko din para maging babala at pag-iingat sa mga tao.

Wallahu a’lam bissawab.

✍️Isinulat ni JYM

Address

New Lucena

Telephone

+639486687871

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Defender of Ahlu Sunnah wal Jama'ah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share