DepEd Filemon T. Lizan Senior High School

Call Directions

DepEd Filemon T. Lizan Senior High School Filemon T. Lizan Senior High School is the first stand-alone senior high school in Navotas City that

28/09/2026

It’s that time of the year! Heto na ang pinakahihintay na announcement ng mga Navoteño students na may natatanging talento sa Visual Arts, Music, Theater Arts, Dancing, at Creative Writing.

NavotaAs Art Scholarship for SY 2026-2027 is officially open! Ang mga interasadong mag-apply ay dapat na -
• Navoteño student na 13-21 years old sa araw ng aplikasyon
• Registered voter ang estudyante o ang kaniyang magulang/guardian
• Naka-enrol sa alinmang high school sa Navotas o anumang kolehiyo/unibersidad sa Metro Manila sa SY 2026-2027
• May passing grade sa lahat ng subject sa huling grade period ng SY 2025-2026

Makikita ang registration form at iba pang requirements sa https://tinyurl.com/NSPArtAuditions2026. Para mai-submit ang mga ito, magtungo sa Tumana Multi-Purpose Building at hanapin si Ms. Jessica, hanggang 30 September 2026.

Magkakaroon din ng Applicants’ Orientation sa 02 October, at Live Auditions and Interviews sa 10 October 2026.



“Sa tapang nagsisimula ang laban para sa bayan.”Sa bawat pahina ng ating kasaysayan ay may mga taong piniling lumaban, m...
24/09/2026

“Sa tapang nagsisimula ang laban para sa bayan.”

Sa bawat pahina ng ating kasaysayan ay may mga taong piniling lumaban, magsakripisyo, at manindigan para sa kalayaan at katarungan. Sa pamamagitan ng Bayani Serye, muli nating binibigyang-buhay ang kanilang mga kuwento—mga kuwento ng tapang, pag-asa, at pagmamahal sa bayan.

Abangan bukas at samahan kami sa paglalakbay sa isang makabuluhang bahagi ng ating kasaysayan.

Serye 2026
ng Wika at Kasaysayan

19/09/2026
BAYANI SERYE 2026: Iyan ang bayani ko!‎‎Sa araw na ito, inyo nang masisilayan ang CLOSE-UP SHOTS ng ating sampung kalaho...
06/09/2026

BAYANI SERYE 2026: Iyan ang bayani ko!
‎
‎Sa araw na ito, inyo nang masisilayan ang CLOSE-UP SHOTS ng ating sampung kalahok na buong tapang na sinubukang buhayin ang legasiya at ipabatid ang istorya ng ating mga bayani. Sila ang magsisilbing tulay upang lubos nating maunawaan ang kasaysayan at ang sakripisyo ng mga taong buong pusong ipinaglaban ang kanilang inang bayan at ang bansang Pilipinas.

Ang tindig ng kanilang postura at talas ng mga mata ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon at paninidigan sa pagganap ng piling mga bayani. Pagmasdan nang maigi ang bawat kalahok at pumili ng inyong paborito sa gabay ng mga sumusunod na tanong: Sinong bayani ang inyong lubos na hinahangaan? Sino ang tugma sa wangis ng bayaning kanilang ginagampanan?

Kayo ay may lubos na kapangyarihang ihalal ang bayaning inyong mapipili bilang People's Choice Awardee sa pamamagitan ng pagboto sa aming opisyal na Google Form.

Pumili at bumoto rito 👉
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdsJHTDHrJrTAh6aIg1LyYkpuGO7WTPDuU2kQ7P6YBJIXip5Q/viewform?usp=header

Ang pagbilang ng boto ay hanggang ika-8 ng Septyembre, alasdyes ng gabi lamang.

Isinulat ni: Elionah Gwyneth L. Desabille

Tagakuha ng larawan: Aaliyah Loraign Alcaide & Jillian Sevilla

Tagapag-edit ng Larawan: Elionah Gwyneth Desabille & Patrice T. Dela Cruz

Sa tulong nina:
Eury Alicante, Marvic Pascual & Sean Conrad Lamorque

𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲Sa pagbabalik ng 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲, muling mabibigyang-buhay ang mga kuwento ng ating mga bayani sa pamamagi...
05/09/2026

𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲

Sa pagbabalik ng 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲, muling mabibigyang-buhay ang mga kuwento ng ating mga bayani sa pamamagitan ng mga piling mag-aaral na handang humarap sa entablado at isabuhay ang kanilang tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.

Sa likod ng bawat pangalan ay isang buhay na minsang nangarap, lumaban, naglingkod, at nagsakripisyo para sa kapwa at sa bayan. May mga kuwentong puno ng tagumpay, may mga pagsubok na tila imposibleng malampasan, at may mga paninindigang hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon.

Sino ang ating makikilala?
Sino ang kanilang bibigyang-buhay?
Anong kuwento ang kanilang ibabahagi?
At anong aral ang mananatili sa ating mga puso?

Handa na ba kayong balikan ang kanilang mga kuwento? Abangan ang𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 at sama-sama nating tunghayan ang mga bayaning muling bibigyang-tampok sa entablado

Isinulat ni: Patrice T. Dela Cruz
Tagakuha ng larawan: Aaliyah Loraign Alcaide & Jillian Sevilla
Tagapag-edit ng larawan: Elionah Gwyneth Desabille & Patrice T. Dela Cruz

Sa tulong nina:
Eury Alicante, Marvic Pascual, at Sean Conrad Lamorque

04/09/2026

Inihahandog ng Filemon T. Lizan Senior High School - Kagawaran ng Araling Panlipunan at Filipino ang 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 bilang pagdiriwang ng 𝗕𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗪𝗶𝗸𝗮 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻!

Sa patuloy na pagbabago ng panahon, nananatiling mahalaga ang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng diwa ng pagmamahal at paglilingkod sa bayan.

Tampok ng 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲 ang sampung grupo ng mga mag-aaral ng Filemon T. Lizan Senior High School na magbibigay-buhay sa mga natatanging bayani ng ating kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatanghal.

Kilalanin ang mga kalahok at tunghayan ang paunang silip sa kanilang mga inihandang pangtatanghal. Abangan ang pagbibigay-buhay sa mga kuwento ng ating mga bayani sa entablado.

Paalala: Ang mga kagamitan at materyales na ginamit sa bidyo ay mga katha lamang na may layuning pang-edukasyon

Isinulat ni: Patrice Dela Cruz
Tagakuha at Tagaayos ng Bidyo: Yzabella Dimaala at Avryl Wenceslao

03/09/2026

Address

Dr. C. Bauza Street Bagumbayan South, Navotas City
Navotas
1485

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+6385319592

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Filemon T. Lizan Senior High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category