APantastik Club of Angeles National High School

APantastik Club of Angeles National High School Araling Panlipunan Club of ANHS 2023-Present

Matagumpay na nairaos ang huling yugto ng APantastik Officers Workshop para sa ating mga newly elected officers! Sa loob...
14/03/2026

Matagumpay na nairaos ang huling yugto ng APantastik Officers Workshop para sa ating mga newly elected officers! Sa loob ng ilang serye ng pagsasanay, hindi lamang mga plano at proyekto ang nabuo, kundi pati na rin ang mas malalim na samahan at tiwala sa isaโ€™t isa. Mula sa masusing brainstorming hanggang sa pagbuo ng mga estratehiya para sa ikabubuti ng ating Araling Panlipunan community, ipinamalas ng bawat isa ang kanilang galing, talino, at higit sa lahat, ang pusong handang maglingkod para sa Angeles National High School.

Ngayong tapos na ang ating Workshop, sa tingin namin ay magiging handa pa ang mga Newly Officers sa darating na school year dahil sa kanilang masasaksihang mga ganap sa APantastik Klab. Ang Workshop na ito ay hindi 100% sure na mahuhubog sila sa pagiging officer sa Club, kundi isa itong paghahanda para sa kanilang tatahaking pagsubok sa bawat ganap at ikagaganda ng APantastik Klab. Dahil ang layunin nito ay hindi iwan sa ere ang mga bagong Officers ng Club, shingggggโœจ

๐Ÿ–ผ: Gwyneth Delos Santos
โœ: Cid Co

Purple Wednesday, Purple shirt tayo mga ka-APantastik๐Ÿ’œโœจ"Babae ka, hindi babae lang!"Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng N...
04/03/2026

Purple Wednesday, Purple shirt tayo mga ka-APantastik๐Ÿ’œโœจ

"Babae ka, hindi babae lang!"

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Womenโ€™s Month ngayong Marso, ang mga mag-aaral ng Angeles National High School ay buong pagmamalaking nagsusuot ng kulay lila tuwing Miyerkules. Ang "Purple Wednesday" ay hindi lamang basta pagsunod sa tema ng kulay, kundi isang simbolo ng ating pagkilala sa galing, katatagan, at mahahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan. Sa bawat lila na ating nakikita sa koridor ng paaralan, muli nating pinagtitibay ang ating suporta para sa pagkakapantay-pantay at pagrespeto sa karapatan ng bawat isa.

Ang adhikaing ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat babaeโ€”mula sa ating mga g**o hanggang sa ating mga kaklaseโ€”ay may boses na dapat pakinggan at kakayahang dapat ipagmalaki. Sa pamamagitan ng simpleng pagsuot ng purple shirt, ipinapakita ng komunidad ng ANHS na tayo ay kaisa sa pagbuo ng isang inklusibong kapaligiran kung saan ang lahat ay binibigyang-halaga. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat ng mga Filipina na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon!

๐Ÿ–ผ: Gwyneth Delos Santos
โœ: Cid Co

28/02/2026

APodcast year 2 | episode 4 : Gender Perspectives and Educational Development

Episode 4 here na mga ka-APantastik!!

Akala mo boring? Hindi po ito thesis defense ๐Ÿ˜ญโœ‹
Usapang gender ito โ€” pero walang recitation na may bonus points!

Sa episode na โ€˜to, pag-uusapan natin kung bakit hindi โ€œpang-babae langโ€ ang pink, hindi โ€œpang-lalaki langโ€ ang blue, at bakit hindi dapat naka-base sa gender ang mga pangarap mo sa buhay. ๐Ÿ’…๐Ÿ’™

May konting seryosong usapan, may konting realization, at syempre may konting โ€œay, oo nga no?โ€ moments. Dahil ang edukasyon ay hindi lang tungkol sa grades kundi tungkol din sa pag-unlearn ng stereotypes na matagal na nating dala-dala.

Halina't alamin paano nakakatulong ang edukasyon sa paghubog ng kasarian. Kung ready ka nang ma-enlighten habang naka-earphones at kunwari productive, this episode is for you! ๐Ÿ˜Œโœจ

Makinig na at sabay-sabay nating sabihing:
โ€œGender bias? Not Today!. โ€ ๐Ÿ’ฅ

โœ:Corrine P**n

Wassup, ka-APantastikโœจ| ๐šƒ๐š‘๐šŽ ๐š…๐š’๐šŒ๐šŽ ๐™ฟ๐š›๐šŽ๐šœ๐š’๐š๐šŽ๐š—๐š๐šœ ๐š˜๐š ๐š๐š‘๐šŽ ๐™ฟ๐š‘๐š’๐š•๐š’๐š™๐š™๐š’๐š—๐šŽ ๐™ด๐šก๐š‘๐š’๐š‹๐š’๐šNagtungo ang APantastik club officers, member at cl...
26/02/2026

Wassup, ka-APantastikโœจ| ๐šƒ๐š‘๐šŽ ๐š…๐š’๐šŒ๐šŽ ๐™ฟ๐š›๐šŽ๐šœ๐š’๐š๐šŽ๐š—๐š๐šœ ๐š˜๐š ๐š๐š‘๐šŽ ๐™ฟ๐š‘๐š’๐š•๐š’๐š™๐š™๐š’๐š—๐šŽ ๐™ด๐šก๐š‘๐š’๐š‹๐š’๐š

Nagtungo ang APantastik club officers, member at club adviser kahapon, February 25, sa Fisher Mall, Malabon upang tingnan ang Exhibit patungkol sa mga Bise presidenteng namuno sa bansa. At mas palalimin ang kanilang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng mga bise presidente ng ating bansa. Nagsilbing makabuluhang karanasan ang pagbisitang ito, naipakita na ang pamumuno, serbisyo at ambag ng lider ay humuhubog sa ating kasaysayan.

โ€ŽHIndi man lahat ay kilala ang bawat bise presidente ng bansa, mahalagang kilalanin at unawain ang kanilang mga naging papel sa kasaysayan. Sa likod ng bawat administrasyon o nakatataas na mga posisyon, may mga taong nagsilbing katuwang nila sa pamamahala para sa bayan

โœ: Jhanina Delfin
๐Ÿ“ธ: Cid Co

Wassup, Ka-AP students! | แดกแดส€แด‹๊œฑสœแดแด˜ ๊œฐแดส€ ษดแด‡แดกสŸส แด‡สŸแด‡แด„แด›แด‡แด… แด๊œฐ๊œฐษชแด„แด‡ส€Uyy, Ka-APantastik! โœจNapak๐€ฦคantastik ng naging workshop kani...
20/02/2026

Wassup, Ka-AP students! | แดกแดส€แด‹๊œฑสœแดแด˜ ๊œฐแดส€ ษดแด‡แดกสŸส แด‡สŸแด‡แด„แด›แด‡แด… แด๊œฐ๊œฐษชแด„แด‡ส€

Uyy, Ka-APantastik! โœจ

Napak๐€ฦคantastik ng naging workshop kanina para sa ating newly elected officers! Isinagawa ito ng ating mga senior members upang mas maihanda at magabayan ang bagong halal na opisyal sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Hindi lang ito basta orientationโ€”isa itong hakbang tungo sa mas organisado, mas malikhain, at mas epektibong pamumuno.

Sa isinagawang workshop, natutunan ng ating mga opisyal kung paano gumawa ng proposal, podcast flow, accomplishment report, at narrative report. Tinalakay rin ang tamang pag-eedit at pagsulat ng makabuluhan at epektibong captionsโ€”mga kasanayang tiyak na magagamit sa mga susunod pang proyekto at gawain ng APantastik Klab.

Ito pa lang ang simula, Ka-APantastik! Abangan ang mas marami pang proyekto at aktibidad mula sa inyong mas handa at mas APantastik na officers, Pakak!

โœ: Cid Co
๐Ÿ“ธ: Gwyneth Delos Santos & Cid Co

Mga Ka-APantastik | ๐˜ผ๐™จ๐™ ๐™’๐™š๐™™๐™ฃ๐™š๐™จ๐™™๐™–๐™ฎSa paglalagay ng abo sa noo, taimtim na nakiisa ang mga mag-aaral ng Angeles National H...
18/02/2026

Mga Ka-APantastik | ๐˜ผ๐™จ๐™ ๐™’๐™š๐™™๐™ฃ๐™š๐™จ๐™™๐™–๐™ฎ

Sa paglalagay ng abo sa noo, taimtim na nakiisa ang mga mag-aaral ng Angeles National High School ngayong ika-18 ng Pebrero sa isang paraliturgy bilang paggunita ng Ash Wednesday at pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma. Ang abo ay nagsisilbing paalala ng kababaang-loob, pagsisisi sa kasalanan, at pagbabalik-loob sa Diyos.

Sa kabila ng pang-araw-araw na gawain sa paaralan, naglaan ng oras ang komunidad upang magnilay at manalangin. Sa pamamagitan ng paraliturgy, sama-samang pinagtibay ng mga mag-aaral at g**o ang kanilang pananampalataya at ang hangaring magsimulang muli nang may mas malinis na puso at matatag na paninindigan. โœ๏ธ

โœ: Cid Co
๐Ÿ“ธ: Ella Rosales

12/02/2026

APodcast Year 2 | Episode 3: Mga Gurong Nagbibigay-Inspirasyon: Progreso sa Pamamagitan ng Interbensyon

Wassup, ka-APantastiks!! Ep 3 na tayooo

Ang mahabang paghihintay ay sa wakas natapos na! Narito na ang kauna-unahang episode ng APodcast ngayong 2026โ€”mas makabuluhan, mas makabuluhan, at mas nagbibigay-inspirasyon.

Sa episode na ito, tampok ang ating mga g**ong patuloy na nagsusumikap upang maitaguyod ang pag-unlad ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng makabuluhang interbensyon. Pakinggan ang kanilang mga kwento ng dedikasyon, mga hamon na nalampasan, at mga tagumpay na bunga ng malasakit at tiyaga.

Alamin kung paano nagiging daan ang interbensyon hindi lamang sa akademikong pag-unlad, kundi pati sa paghubog ng kumpiyansa at pag-asa ng ating mga mag-aaral.

๐ŸŽง Halinaโ€™t makinig, matuto, at ma-inspire!

โœ: Gwyneth Quitana Delos Santos

โ€ŽLakbay Aral 2026๐Ÿซโ€Ž๐Ÿ“Intramurosโ€Žโ€ŽKasaysayan sa bawat hakbang! Ang APANTASTIK CLUB ng Angeles National High School ay nagt...
02/02/2026

โ€ŽLakbay Aral 2026๐Ÿซ
โ€Ž๐Ÿ“Intramuros
โ€Ž
โ€ŽKasaysayan sa bawat hakbang! Ang APANTASTIK CLUB ng Angeles National High School ay nagtungo sa Intramuros noong January 29 para sa Lakbay Aral 2026! ๐Ÿซ๐Ÿ“ Nakapag-lakbay at nakapag-aral sa mga makasaysayang lugar tulad ng:
โ€Ž- ๐ŸŒŸ Fort Santiago
โ€Ž- ๐Ÿ›๏ธ Casa Manila
โ€Ž- ๐Ÿšช Baluarte de San Diego
โ€Ž- ๐Ÿ“š Museo ng Kasaysayan ng Pilipinas
โ€Žang mga miyembro ng APANTASTIK CLUB ng Angeles National High School. Salamat sa mga g**o at organisator sa pagbigay ng ganitong karanasan! ๐Ÿ‘



โœ๐Ÿป Xian Matthew S. Obaรฑa
๐Ÿ“ธ Casandra Estacio

Apantastik para sa Pagkakaisa โ˜๏ธNagtungo ang Apantastik Club kahapon, January 24, mula 1:00โ€“5:00 ng hapon, sa GSIS Theat...
25/01/2026

Apantastik para sa Pagkakaisa โ˜๏ธ

Nagtungo ang Apantastik Club kahapon, January 24, mula 1:00โ€“5:00 ng hapon, sa GSIS Theater upang makiisa sa pagdiriwang ng 12th Anniversary ng HWPL. Sa selebrasyong ito, tinalakay ang ibaโ€™t ibang relihiyon, ang mga karaniwang maling akala tungkol sa mga ito, at ang tamang pag-unawa sa bawat pananampalataya. Kasama ang YEPC (Youth Empowerment Peace Class) at RPA (Religious Peace Academy), matagumpay na naisakatuparan ang selebrasyon na may layuning magkaroon ng pagkakaisa sa kabila ng ating mga pagkakaiba.

Maraming mahahalagang aral ang baon ng Apantastik Club mula sa karanasang ito, lalo na ang kahalagahan ng paggalang at pag-unawa sa paniniwala ng bawat isa. Ipinakita ng selebrasyong ito na ang kapayapaan ay posible kung may bukas na isipan at hangaring magkaisa kahit magkakaiba ang pananampalataya at paniniwala.

๐Ÿ“ธ: Lawriece Balasbas & Ma'am Jenalyn Bambico
โœ: Sophia Imson

Sa tuwing nalalapit ang araw ng pista para sa Pangisdaan sa lungsod ng Navotas ay ginaganap ang Pangisdaan Street Dance ...
13/01/2026

Sa tuwing nalalapit ang araw ng pista para sa Pangisdaan sa lungsod ng Navotas ay ginaganap ang Pangisdaan Street Dance Competition bilang isang pagkilala sa mga mangingisda sa lungsod, dahil ang karaniwang pamumuhay ng mga mamamayan dito ay pangingisda.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang tungkol sa sayaw at kompetisyon, kundi isang paalala ng matibay na ugnayan ng mga taga-Navotas sa dagat. Sa pamamagitan ng sining at galaw, naipapahayag ang pasasalamat, pag-asa, at patuloy na pangangalaga sa yamang-dagat na nagbibigay-buhay sa buong lungsod.

๐Ÿ“ธ: Cid Co
โœ: Cid Co

Address

Navotas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when APantastik Club of Angeles National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category