02/06/2026
π Mga Tala ng Bayanihan, Tara na sa Brigada Eskwela! π
Bukas po ang ating paaralan para sa lahat ng nais makiisa at tumulong sa paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Maaari po kayong magbigay ng oras, serbisyo, kagamitan, o anumang tulong na makatutulong sa ating paaralan. Upang pormal na maitala at mabigyan ng kaukulang pagkilala ang inyong suporta, hinihiling po namin na dumaan muna sa Registration Area bago ipagkaloob ang inyong donasyon.
Ang bawat tulong, gaano man kaliit, ay malaking ambag sa paglikha ng isang ligtas, malinis, at handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
02/06/2026
TINGNAN: Tulong-tulong para sa mas handa at ligtas na balik-eskwela! π«πͺ
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Education Secretary Sonny Angara, ang Brigada Eskwela sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City ngayong araw.
Personal na nakibahagi ang Pangulo sa pagpipintura ng silid-aralan at ininspeksyon ang mga bagong CCTV cameras na ikinakabit sa paaralan bilang bahagi ng mga hakbang upang higit na matiyak ang seguridad. Pinangunahan din niya ang isang storytelling session para sa mga Grade 1 learner sa reading nook ng paaralan, na nagpapakita ng suporta sa pagpapaunlad ng literacy at kultura ng pagbabasa.
Nakiisa rin sa aktibidad si Labor Secretary Francis Tolentino bilang bahagi ng pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa DepEd sa ilalim ng TUPAD program. Habang pinangunahan naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga aktibidad kaugnay ng βTara, Basa! Tutoring Program,β na naglalayong palakasin ang kakayahan sa pagbasa ng mga bata.
01/06/2026
Maraming salamat po, mga Tala ng Bayanihan! π
Ang inyong kabutihang-loob ay nagbibigay-liwanag sa landas ng aming mga mag-aaral at nagiging inspirasyon sa iba pang nagnanais tumulong. Sama-sama nating patuloy na pagningasin ang diwa ng bayanihan para sa mas maayos, ligtas, at handang paaralan.
01/06/2026
ππ€ MATAGUMPAY NA BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM! π«β¨
Matagumpay na naisagawa ng North Bay Boulevard North Elementary School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program, hudyat ng sama-samang paghahanda para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan.
Kasabay nito ang turn-over ng mga Reading Nooks para sa ating mga KS1 teachers, isang makabuluhang hakbang upang higit pang mapaunlad ang kultura ng pagbabasa at mapalakas ang pundasyon ng literacy ng ating mga batang mag-aaral.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Barangay Captain Noel Aviles sa kanyang pagdalo at patuloy na suporta sa mga programa at adhikain ng paaralan. Ang kanyang pakikiisa ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat din sa lahat ng mga g**o, magulang, stakeholders, at mga boluntaryong nakiisa sa pagsisimula ng Brigada Eskwela. Sa pagtutulungan at bayanihan, masisig**o nating handa, ligtas, at maayos ang ating paaralan para sa School Year 2026β2027.
01/06/2026
π’ CLASS SCHEDULE FOR SCHOOL YEAR 2026β2027 π’
Mga magulang at mag-aaral, narito ang opisyal na iskedyul ng klase para sa School Year 2026β2027. Mangyaring tandaan ang oras ng inyong pagpasok at pag-uwi upang maging maayos ang ating pagbubukas ng klase.
01/06/2026
π’ CLASSROOM ASSIGNMENT FOR SY 2026β2027 π’
Narito na ang ating Campus Map Guide at Classroom Assignment para sa School Year 2026β2027 upang magsilbing gabay ng ating mga mag-aaral at magulang sa paghahanap ng kani-kanilang silid-aralan sa unang araw ng pasukan.
π Mangyaring tingnan ang mapa at alamin ang lokasyon ng inyong silid-aralan bago ang pagbubukas ng klase upang maging maayos at mabilis ang inyong pagpasok.
π΄ Pulang Teksto β PM Classes
β« Itim na Teksto β AM Classes
Sama-sama nating simulan ang panibagong taon ng pagkatuto sa isang ligtas, maayos, at masayang kapaligiran.
01/06/2026
ππ MARAMING SALAMAT, TAU GAMMA PHI/SIGMA! ππ
Ang North Bay Boulevard North Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa iba't ibang chapters ng Tau Gamma Phi/Sigma sa kanilang oras, lakas, at malasakit na ibinahagi para sa ating Brigada Eskwela 2026.
Sa pamamagitan ng inyong pakikiisa sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng ating paaralan, mas naging handa tayo sa ligtas, maayos, at masiglang pagbubukas ng klase para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong boluntaryong serbisyo ay patunay na ang tunay na diwa ng bayanihan ay buhay na buhay sa ating komunidad. Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang organisasyon at indibidwal na makibahagi sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating mga kabataan.
Maraming salamat sa inyong suporta at pakikipagtulungan. Sama-sama nating itinataguyod ang edukasyon para sa bawat batang Northbanian!
Triskelion Grand Fraternity
P. De Vera Community Chapter
Market 3 Chapter
NPC Chapter
417 Linchangco Chapter
Old Fishport Chapter
Proper Chapter
Tanza Marikit Chapter
01/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa Metrobank Purple Hearts Club sa kanilang maagang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026.
Sa pamamagitan ng kanilang boluntaryong serbisyo sa paglilinis, pagpipintura, at paghahanda ng ating mga silid-aralan sa mga silid-aralan sa Metrobank Building, gayundin sa kanilang mga ipinagkaloob na kagamitan at donasyon, mas naging handa ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang inyong kabutihang-loob at malasakit sa edukasyon ay tunay na inspirasyon sa aming paaralan at sa buong komunidad.
Maraming salamat po sa pagiging katuwang ng North Bay Boulevard North Elementary School sa pagtataguyod ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Muli maraming salamat po sa program coordinators
M. Jayvee Garcia
M. Marge Deveza
at sa mga Chapter Volunteers
CRG Caregivers
GSG Channel of Blessings
CMA I Damayang Metro
CMA IV Helpline
CMA V Caring Hearts
31/05/2026
Simulan ang bagong linggo sa diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa. Nawaβy maging liwanag at inspirasyon tayo sa isaβt isa, tungo sa serbisyong may malasakit at pagmamahal. Happy Monday, ka-DepEd! πβ€οΈ
Simulan ang bagong linggo sa diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa. Nawaβy maging liwanag at inspirasyon tayo sa isaβt isa, tungo sa serbisyong may malasakit at pagmamahal. Happy Monday, ka-DepEd! πβ€οΈ
31/05/2026
π’ BRIGADA ESKWELA 2026 NA! π«β¨
Bukas na po ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026 sa North Bay Boulevard North Elementary School!
Inaanyayahan namin ang lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, organisasyon, at mga miyembro ng komunidad na makiisa sa paghahanda ng ating paaralan para sa pagbubukas ng klase. Ang inyong oras, talento, lakas, at anumang uri ng suporta ay malaking tulong upang maging ligtas, malinis, at handa ang ating mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral.
Hindi kailangang malaki ang maibigay upang makagawa ng malaking pagbabago. Ang simpleng pagtulong sa paglilinis, pagpipintura, pagkukumpuni, o pagdo-donate ng mga kagamitan ay isang mahalagang ambag para sa kinabukasan ng ating mga bata.
π Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela 2026!
π
Hunyo 1β5, 2026
π North Bay Boulevard North Elementary School
Sama-sama nating ihanda ang paaralan, para sa mas ligtas, mas maayos, at mas masayang pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral.