22/08/2026
TINGNAN | Ipinamalas ng bawat pangkat mula sa Baitang 11 at 12 ang kanilang husay at talento sa pagsasalaysay at paglikha ng makabuluhang kuwento ng kani-kanilang mga paksa na pumapatungkol sa isyung panlipunan at kasaysayan para sa patimpalak ng Radyo Drama, Agosto 12.
Sa pamamagitan ng Artificial Intelligence o AI bilang makabagong tugon sa mga umiiral na krisis at sentrong tema ng Buwan ng Wika at Kasaysayan, matagumpay silang nakabuo ng produksyong naghatid ng makabuluhang mensahe sa kanilang mga tagapakinig.
Ipinakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng nakaraan at ang realidad ng kasalukuyan sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa kani-kanilang mga iskrip.
Inilunsad ang selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan na pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino at Araling Panlipunan noong Agosto 3 na may temang "Wikang Filipino at Kasaysayan sa Panahon ng AI: Hinubog ng Bayan, Inaaruga ng Katotohanan, Tungo sa Makabuluhang Kinabukasan."
Mga salita ni Divino Kalaw, Filius Laureano, at Breanne Loza, The Josenian Tribune
Mga larawang kuha ni Sophia Jomero, The Josenian Tribune