26/09/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ง๐๐ง
๐
Setyembre 18, 2026 โ Isinagawa ang unang sesyon ng Project APAT (Ang Paaralan sa Aming Tahanan) sa Navotas National Science High School, kasabay ng Parents-Teachers Conference at inaasahang magtutuloy-tuloy sa mga susunod pang PTC.
Isang magandang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan ang pagsisimula ng Project APAT (Ang Paaralan sa Aming Tahanan) na may layuning maipaunawa sa mga magulang na ang pagkatuto ng bawat mag-aaral ay hindi natatapos sa paaralan, ito ay marapat na maipagpatuloy sa ating tahanan.
Naging bahagi ng sesyon ang mga magulang mula sa ibaโt ibang baitang na pinangasiwaan ng HPTA Presidents, kaagapay ng mga g**o ng Values Education Department, at sa pangunguna ng ating Punong-Guro, G. Russel P. Samson. Ang proyektong ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng ating Education Program Supervisor Ms. Preciosa N. Cabinbin.
Sa pagtatapos ng sesyon, isang mahalagang paalala mula sa Salita ng Diyos ang nais nating dalhin sa ating mga tahanan:
โMga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, maingat sa pagsasalita at hindi agad nagagalit.โ(๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท:๐ท๐ฟ)
Nawaโy magsilbi itong gabay sa ating pakikitungo sa ating mga anak, maging sa kapwa magulang, g**o, at sa bawat isa