25/08/2026
DALUM-ALON | Ang Habi ng ating Pagka-Pilipino
Bilang pakikiisa ng La Naval Academy sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan ay malugod na inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na magsuot ng kasuotang Pilipino sa darating na Biyernes, Agosto 28, 2026.
Ang gawaing ito ay hindi lamang presentasyon ng tradisyonal na pananamit, kundi isang simpleng paraan upang maipahayag ang ating pagpapahalaga sa wikang Filipino, kultura, at kasaysayan. Hindi kinakailangang bago at maging magarbo ang kasuotan- sapat na ang diwa ng pakikiisa at pagpupunyagi bilang mamamayan ng bansang kung ituring ay “Perlas ng Silangan.”
Sama-sama nating balikan ang dalumat ng alon mula sa mga hibla ng ating pagka-Pilipino!