09/09/2026
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng ating orientation ukol sa DepEd Order No. 006, s. 2026: Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment Focusing on Child Protection, Anti-Bullying, and Mental Health.
βSa ating temang "Alam mo ba ang Bunga? (Know the Violation. Understand the Consequence. Choose Better.)", binigyang-diin natin na ang bawat kilos at desisyon ay may katumbas na pananagutan.
βIpinaalala natin sa ating mga mag-aaral na ang paglabag sa mga patakaranβmaging sa loob man o sa labas ng paaralanβay may hindi magandang bunga na pwedeng makaapekto sa kanilang kinabukasan, sa kanilang pamilya, at sa buong pamayanan. Ang tunay na disiplina at tamang pagpapasya ang susi para makaiwas sa anumang kapahakan.
βMaraming salamat sa ating school administration, at mga g**o sa patuloy na pagsuporta at paggabay. Higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga mag-aaral mula sa Grade 7, 9, at 12 sa inyong pakikinig at pakikiisa. Kahit malakas ang ulan ay sinikap ninyo pa rin makapasok sa paaralan. Nawa'y baunin ninyo ang mga aral na ito sa bawat araw. π
βPatuloy nating itaguyod ang isang ligtas, disiplinado, at may malasakit na kapaligiran.
βSafe Learners. Brighter Futures. π
β