06/06/2026
📢 OFFICIAL SCHOOL ANNOUNCEMENT
Please be informed that all Grade 8 students will be under Distance Learning Mode (DLM) on Monday, June 8, 2026.
In line with this, all Grade 8 learners are expected to actively participate in the scheduled online flag ceremony and attend their respective synchronous (live) and asynchronous (independent) learning activities throughout the day. Attendance and participation will be strictly monitored.
To ensure a smooth transition to face-to-face classes, Grade 8 students are permitted to visit the school campus on Monday to check their designated sections, classroom assignments, and room numbers. This will help them prepare accordingly for their in-person classes starting Tuesday, June 9, 2026.
Meanwhile, all other grade levels—Grades 7, 9, 10, 11, and 12—will continue with regular in-person classes on Monday, June 8, 2026, following the prescribed school schedule and health and safety guidelines.
Students, parents, and guardians are advised to be guided accordingly and to ensure that all learners comply with the given instructions. For any concerns or clarifications, you may contact the school through official communication channels.
Thank you for your continued cooperation and support.
For guidance, information, and strict compliance.
📢 OPISYAL NA ANUNSYO NG PAARALAN
Ipinapaalam sa lahat na ang mga mag-aaral ng Baitang 8 ay sasailalim sa Distance Learning Mode (DLM) sa Lunes, Hunyo 8, 2026.
Kaugnay nito, inaasahan ang aktibong pakikilahok ng lahat ng mag-aaral ng Baitang 8 sa online flag ceremony gayundin sa kanilang mga itinakdang synchronous (live) at asynchronous (independent) na gawain sa pagkatuto sa nasabing araw. Mahigpit na imo-monitor ang kanilang pagdalo at pakikilahok.
Pinahihintulutan din ang mga mag-aaral na bumisita sa paaralan sa nasabing araw upang suriin ang kanilang mga seksyon, silid-aralan, at room assignment. Ito ay upang matiyak ang kanilang kahandaan sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Martes, Hunyo 9, 2026.
Samantala, ang lahat ng iba pang baitang—Baitang 7, 9, 10, 11, at 12—ay magkakaroon ng regular na in-person classes sa Lunes, Hunyo 8, 2026, alinsunod sa itinakdang iskedyul at umiiral na mga alituntunin ng paaralan.
Inaabisuhan ang mga mag-aaral, magulang, at tagapag-alaga na magabayan nang wasto at tiyaking nasusunod ang mga nabanggit na patakaran. Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa paaralan sa pamamagitan ng opisyal na mga komunikasyon.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa at suporta.
Para sa kaalaman, gabay, at mahigpit na pagsunod ng lahat.
03/06/2026
📢 Attention, Grade 11 Students:
The KHS–SHS Grade 11 masterlist for SY 2026–2027 is now available.
You are invited to visit the school to check your name and details. Thank you!
02/06/2026
TINGNAN: Tulong-tulong para sa mas handa at ligtas na balik-eskwela! 🏫💪
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Education Secretary Sonny Angara, ang Brigada Eskwela sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City ngayong araw.
Personal na nakibahagi ang Pangulo sa pagpipintura ng silid-aralan at ininspeksyon ang mga bagong CCTV cameras na ikinakabit sa paaralan bilang bahagi ng mga hakbang upang higit na matiyak ang seguridad. Pinangunahan din niya ang isang storytelling session para sa mga Grade 1 learner sa reading nook ng paaralan, na nagpapakita ng suporta sa pagpapaunlad ng literacy at kultura ng pagbabasa.
Nakiisa rin sa aktibidad si Labor Secretary Francis Tolentino bilang bahagi ng pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa DepEd sa ilalim ng TUPAD program. Habang pinangunahan naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga aktibidad kaugnay ng “Tara, Basa! Tutoring Program,” na naglalayong palakasin ang kakayahan sa pagbasa ng mga bata.
02/06/2026
Happy Birthday!
On this special day, the entire Kaunlaran High School family warmly greets our dear Principal, Ms. Wilfreza Balagosa, a very Happy Birthday!🎉🎂
Your inspiring leadership, unwavering dedication, and genuine care for both teachers and students continue to guide our school toward excellence. You are not only a remarkable administrator but also a mentor and role model who motivates us all to strive for growth and success.
May your birthday be filled with joy, appreciation, and well-deserved celebration. May the coming year bring you good health, more achievements, and continued strength to lead Kaunlaran High School to even greater heights.
With heartfelt gratitude and respect,
– Kaunlaran High School Family 💙✨
26/05/2026
✨ Kaunlaran High School Brigada Eskwela 2026 ✨
Malugod po naming inaanyayahan ang buong komunidad—mga magulang, mag-aaral, alumni, pati na rin ang inyong mga pamilya, kaibigan, at kakilala—na makiisa sa ating Kick-Off ng Brigada Eskwela sa June 1, 2026! 🎉
Ito po ang hudyat ng ating sama-samang Bayanihan sa Paaralan na magpapatuloy hanggang June 5, 2026, bilang paghahanda sa isang ligtas, malinis, at maayos na pagbubukas ng klase. 💙
📌 Tema:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
📅 Kick-Off: June 1, 2026
📅 Brigada Eskwela: June 1–5, 2026
Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa ating Kick-Off Program at makibahagi sa mga gawain sa loob ng nasabing linggo, tulad ng paglilinis, pagkukumpuni, at pag-aayos ng ating mga pasilidad.
👨👩👧👦 Hinihikayat din po namin kayong isama ang inyong pamilya, mga kaibigan, at kakilala upang higit na mapalakas ang diwa ng bayanihan sa ating paaralan.
🧹 Mahalagang Paalala:
Ang pagdadala po ng cleaning materials tulad ng walis, basahan, dustpan, mop, pintura, at iba pang kagamitan ay napakahalaga sa tagumpay ng ating Brigada Eskwela.
👉 Ang bawat kagamitang panglinis na inyong maibabahagi ay mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kahandaan ng ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
🌟 Sama-sama po nating ipakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa edukasyon ng ating mga kabataan.
👉 Makibahagi. Makiisa. Magmalasakit.
👉 Kita-kits po sa Kaunlaran High School!
💙