06/07/2026
𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫’𝐬 𝐑𝐞𝐟𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
“𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑓𝑢𝑡𝑢𝑟𝑒 𝑛𝑔 𝑡𝑟𝑎𝑏𝑎ℎ𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑔𝑖𝑡𝑎𝑙 𝑒𝑐𝑜𝑛𝑜𝑚𝑦. 𝑃𝑟𝑒𝑠𝑒𝑛𝑡 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜.”
Hindi popular ang sagot, pero totoo.
Kailangan na nating tigilan ang pagtingin sa BPO, freelancing, remote work, at digital services bilang “alternative jobs.”
Ito na ang trabaho ng kasalukuyan. At mas lalo, ito ang trabaho ng hinaharap.
Habang marami pa rin ang nakatutok sa traditional employment pathways, tahimik nang binabago ng digital economy ang paraan kung paano tayo nagtatrabaho, kumikita, at umaangat. Hindi na requirement ang lokasyon. Hindi na rin laging diploma ang pinakamalaking currency. Ang mahalaga ngayon: skills, adaptability, at access.
Ang problema, hindi kulang ang sipag ng Pilipino. Kulang ang investment natin sa pag-develop ng workforce para sa ekonomiyang meron na tayo ngayon.
Kapag ang mga kabataan ay tinuturuan pa rin para sa trabahong unti-unti nang nawawala, hindi tao ang problema. Sistema.
Ito ang dahilan kung bakit itinayo namin ang LeapUp ng Angat Kabuhayan.
Hindi lang para magbigay ng training. Kundi para gumawa ng tulay — mula unemployment papunta sa opportunity; mula sa digital divide papunta sa digital economy.
Sa LeapUp, tinuturuan namin ang kabataan ng practical digital skills, workplace readiness, at binibigyan sila ng suporta hanggang sa employment. Dahil hindi sapat ang certificate kung walang pathway. Hindi sapat ang training kung walang trabaho sa dulo.
Kung seryoso tayo sa pag-angat ng kabuhayan, kailangan nating seryosohin ang digital workforce development.
Hindi ka papalitan ng technology.
Mapag-iiwan ka ng taong marunong gumamit nito.
At ang tanong para sa ating lahat ay hindi na kung darating ba ang digital economy.
Nandito na siya.
Ang tanong: handa ba tayo?