18/08/2026
๐๐ข๐๐๐-๐๐๐, ๐๐ข๐ง๐๐ ๐ญ๐ข๐๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐ข๐ ๐ก๐ข๐ฆ๐๐ฆ๐๐ญ '26
Nagtipon ang mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ng School of Arts and Sciences (SAS) ng Biliran Province State University (BiPSU) para sa Pakighimamat 2026 sa BiPSU Gymnasium noong ika-labingwalo ng Agosto, na nagsilbing pagkakataon upang palakasin ang ugnayan at pakikipag-ugnayan ng komunidad ng SAS.
Sa ilalim ng temang โOne SAS: Anchored in Values, Guided by Policies, Prepared for the Future,โ nakatuon ang programa sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga patakaran, programa, at serbisyong maaaring makatulong sa mga mag-aaral, habang binigyang-diin ni SAS Dean Dr. Ralph Arvic T. Arcenal ang kahalagahan ng sa pagbuo ng pagkakaisa at pakiramdam ng pagiging kabilang.
Binigyang-halaga rin sa pagtitipon ang pamumuno at pagkakaroon ng malinaw na direksyon, kabilang ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Communication Arts Guild at Student Economic Circle, gayundin ang panawagan ni BiPSU President Dr. Victor C. Caรฑezo Jr. sa mga mag-aaral na tukuyin ang kanilang layunin upang maging gabay sa kanilang paglalakbay bilang mga mag-aaral.
Samantala, tinalakay ng mga kinatawan mula sa ibaโt ibang tanggapan ng unibersidad ang mahahalagang usapin tulad ng pagsunod sa mga alituntunin, pangangalaga sa personal na datos, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at paggalang sa karapatan ng bawat isa, kasama ang paghahanda ng mga ikaapat na taong mag-aaral para sa kanilang OJT sa ikalawang semestre.
Photos from The Pillar Publication