26/08/2026
AKO’Y MABUTI, PASS TAYO SA BULLY!
Sa Malvar National High School, pinipili nating maging mabuti, maunawain, at responsable sa ating kapwa. Walang lugar ang bullying sa paaralang ligtas, masaya, at puno ng respeto.
Sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), sama-sama nating ipalaganap ang mensahe ng kabutihan:
-Maging kaibigan, hindi dahilan ng takot.
-Igalang ang bawat isa.
-Magsalita laban sa bullying.
-Piliing maging mabuti araw-araw.
Dahil sa MNHS, kabutihan ang pinipili natin—PASS TAYO SA BULLY!