16/11/2025
Taos-puso pong pasasalamat kina G. at Gng. NENITA H. JAVIER sa inyong kabutihang-loob at malasakit sa mga batang mag-aaral ng San Isidro Elementary School. Ang inyong handog na pagkain ay hindi lamang nagbigay sigla at busog sa kanilang katawan, kundi nagdulot din ng saya, inspirasyon, at pakiramdam na sila ay tunay na inaalagaan.
Maraming salamat po sa inyong busilak na puso at walang sawang suporta sa ating mga kabataan. Nawa’y pagpalain pa po kayo at patuloy na maging inspirasyon sa nakararami.