18/09/2026
๐ค Kapit-Bisig sa Edukasyon
Taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Kapitana Junah P. Lecciones at sa buong Barangay Council sa walang humpay na suporta, pagtulong, at malasakit sa aming paaralan.
Ang inyong patuloy na paglalaan ng oras, lakas, at serbisyo para sa ikabubuti ng aming paaralan ay isang patunay ng tunay na malasakit sa edukasyon at sa ating mga mag-aaral. Ang bawat tulong na inyong ipinagkakaloob ay malaking ambag sa paglikha ng mas maayos, ligtas, at magandang lugar ng pagkatuto para sa ating mga mag-aaral.
Higit sa lahat, ipinapakita nito ang matibay na ugnayan ng paaralan at barangayโisang magandang halimbawa ng pagkakaisa kung saan ang mga stakeholders sa edukasyon ay sama-samang kumikilos para sa kapakanan ng mga bata.
Maraming salamat po, Kapitana Junah P. Lecciones, at sa buong barangay team!Ang inyong malasakit ay tunay na inspirasyon. ๐ค๐
โKapag ang Paaralan at Barangay ay Nagkakaisa, Mas Maliwanag ang Kinabukasan ng mga Bata.โ