09/08/2026
📢 OPISYAL NA ANUNSYO
SUSPENSIYON NG HARAPANG KLASE
Agosto 10, 2026
Ayon sa rekomendasyon ng Tagapangasiwa ng Kolehiyo ng Colegio de Naujan, Gng. Leonicia S. Marquinez, PhD., ipinag-uutos ang pansamantalang suspensyon ng lahat ng harapang klase bukas, Agosto 10, 2026, dahil sa patuloy na pagbaha sa ilang lugar ng Naujan na nagdudulot ng panganib at suliranin sa pagbiyahe ng mga mag-aaral.
Sa halip, ang lahat ng klase ay isasagawa ONLINE/VIRTUAL, alinsunod sa regular na iskedyul at mga panuntunang itatakda ng bawat instructor.
Samantala, ang lahat ng mga g**o, tagapagturo, at kawani ay inaasahang papasok at magtatrabaho sa paaralan ayon sa kanilang regular na iskedyul.
MAHALAGANG PAALALA:
Ang suspensyon ay para lamang sa harapang klase at hindi nangangahulugan ng kanselasyon ng klase.
Ang mga mag-aaral ay inaasahang dumalo sa mga klase sa pamamagitan ng online/virtual na pamamaraan at manatiling nakatutok sa opisyal na komunikasyon ng kanilang mga instruktor.
Ang mga mag-aaral na direktang apektado ng pagbaha, kawalan ng kuryente, internet connection, o mapanganib na kondisyon sa kanilang lugar ay dapat unahin ang kanilang kaligtasan at agad na makipag-ugnayan sa kanilang instructor.
Huwag piliting bumiyahe kung ang mga daanan ay baha o hindi ligtas.
Anumang pagbabago sa paraan ng pagsasagawa ng klase o pagbabalik sa harapang klase ay opisyal na iaanunsyo ng Colegio de Naujan.
Paalala: Kaligtasan ang ating pangunahing prayoridad. Manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo, at mag-ingat tayong lahat.
– Tanggapan ng Ugnayang Pangmag-aaral at Serbisyo (OSAS)
Colegio de Naujan