DepEd- Concepcion Elementary School

Directions

DepEd- Concepcion Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd- Concepcion Elementary School, Public School, Naujan.

CES Joins the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026 As part of its commitment to ensuring the safety...
18/06/2026

CES Joins the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill 2026

As part of its commitment to ensuring the safety and well-being of its learners and personnel, Concepcion Elementary School (CES) actively participated in the 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 on June 18, 2026, at 9:00 AM.

During the activity, learners and teachers demonstrated the proper "Duck, Cover, and Hold" technique, helping strengthen their preparedness and awareness in the event of an earthquake. The drill also highlighted the importance of remaining calm, alert, and responsive during emergencies.

Through continuous participation in preparedness activities, CES remains dedicated to fostering a safe, resilient, and disaster-ready school community.

Together, we build a culture of safety and preparedness for everyone.





BUKAS, BUKAS NA!Malinis na ang mga silid-aralan, maayos na ang mga kagamitan, at handa na ang bawat sulok ng ating paara...
07/06/2026

BUKAS, BUKAS NA!

Malinis na ang mga silid-aralan, maayos na ang mga kagamitan, at handa na ang bawat sulok ng ating paaralan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral.

Ang Concepcion Elementary School ay handang salubungin ang School Year 2026–2027 nang may sigla, saya, at ligtas na kapaligiran para sa pagkatuto.

πŸ“š Kita-kits bukas, mga batang CES!

OPLAN BALIK ESKWELA 2026Malugod na ipinababatid ng Concepcion Elementary School ang pagbubukas ng Oplan Balik Eskwela 20...
06/06/2026

OPLAN BALIK ESKWELA 2026

Malugod na ipinababatid ng Concepcion Elementary School ang pagbubukas ng Oplan Balik Eskwela 2026 – Public Assistance Command Center bilang paghahanda sa panibagong taong panuruan!

Handa na ang ating paaralan upang matiyak ang maayos, ligtas, masaya, at matagumpay na pagbabalik-eskwela ng bawat mag-aaral. Sa tulong ng ating masisipag na g**o, coordinators, at school personnel, nakahanda kaming tumugon sa mga katanungan, concerns, at iba pang pangangailangan ng ating mga magulang at mag-aaral kaugnay ng pagbubukas ng klase.

Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, mag-aaral, at stakeholders na makiisa at makipag-ugnayan sa ating Public Assistance Command Center upang higit pang mapabilis at mapabuti ang ating serbisyo.

β€œBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman!”

Sama-sama nating simulan ang panibagong taong panuruan na puno ng pag-asa, pangarap, at tagumpay.

BALIK ESKWELA NA! Ano, tara?




SUKAT, BASA, HANDA NA! Sa ikalimang araw ng Brigada Eskwela 2026, hindi lamang ang paaralan ang inihandaβ€”pati ang kalusu...
05/06/2026

SUKAT, BASA, HANDA NA!

Sa ikalimang araw ng Brigada Eskwela 2026, hindi lamang ang paaralan ang inihandaβ€”pati ang kalusugan at kakayahan sa pagbasa ng ating mga mag-aaral ay binigyang-pansin!

Isinagawa ang height and weight measurement ng mga mag-aaral sa tulong ng ating mga katuwang na BNS at mga BHW, bilang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kalusugan at kagalingan.

Naging matagumpay rin ang Brigada Pagbasa, kung saan sama-samang nagsikap ang mga g**o upang mapaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral sa darating na pasukan.

Mula sa maayos na paaralan, malusog na pangangatawan, hanggang sa mas matatag na kasanayan sa pagbasaβ€”handa na ang mga batang CES para sa panibagong taon ng pagkatuto!

04/06/2026

Pintura, linis, at pagmamalasakit.
Day 4 moments worth sharing!

ππ€π˜π€ππˆπ‡π€π, ππ€π“π”π‹πŽπ˜! Hindi pa man nagsisimula ang klase, dama na ang malasakit at pagtutulungan ng bawat isa para sa ikag...
04/06/2026

ππ€π˜π€ππˆπ‡π€π, ππ€π“π”π‹πŽπ˜!

Hindi pa man nagsisimula ang klase, dama na ang malasakit at pagtutulungan ng bawat isa para sa ikagaganda ng ating paaralan.

Sa ikaapat na araw ng Brigada Eskwela, ipinagpatuloy ng mga g**o, magulang, at mga boluntaryo ang mga gawaing maghahanda sa ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.

βœ… Patuloy na pagsasaayos ng mga silid-aralan
βœ… Pagkukumpuni ng mga sirang upuan
βœ… Pagsasaayos at pag-aalaga ng gulayan sa paaralan

Ang bawat martilyong pumapalo, bawat upuang naaayos, at bawat halamang napapangalagaan ay sumasalamin sa ating sama-samang hangarin na makapagbigay ng dekalidad na kapaligiran sa pagkatuto.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ikaapat na araw ng Brigada Eskwela. Ang inyong oras, lakas, at dedikasyon ay tunay na inspirasyon ng bayanihan.

Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang handa para sa tagumpay ng bawat batang CES

03/06/2026

Day 3 Brigada Eskwela Dump πŸ’—πŸ“Έ



Ikatlong Araw ng Brigada Eskwela 2026: Bayanihan at Malasakit para sa Batang CES! Naging produktibo at makabuluhan ang i...
03/06/2026

Ikatlong Araw ng Brigada Eskwela 2026: Bayanihan at Malasakit para sa Batang CES!

Naging produktibo at makabuluhan ang ikatlong araw ng Brigada Eskwela sa Concepcion Elementary School sa tulong ng ating mga g**o, magulang, volunteers, at mga katuwang sa komunidad.

Kabilang sa mga naisakatuparan ngayong araw ang:
πŸͺ‘ Pagpipintura at pagkukumpuni ng mga upuan upang maging mas maayos at komportable para sa ating mga mag-aaral.
🏫 Pagsasaayos ng mga silid-aralan bilang paghahanda sa ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto.
πŸŽ’ Pamamahagi ng school supplies mula sa Sangguniang Barangay ng Concepcion para sa mga mag-aaral ng Concepcion Elementary School bilang suporta sa kanilang pag-aaral sa darating na taong panuruan.

Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at mga biyaya. Ang inyong suporta ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan para sa edukasyon ng ating mga kabataan.

πŸ’™ Sa bawat pinturang naipahid, upuang naisaayos, at school supplies na naipamahagi, mas lalo nating naihahanda ang paaralan para sa tagumpay ng bawat batang CES. πŸ’™

Kumpleto sa Gamit, Handa sa Pagkatuto!Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Concepcion sa pangunguna ni Brg...
03/06/2026

Kumpleto sa Gamit, Handa sa Pagkatuto!

Taos-pusong pasasalamat sa Sangguniang Barangay ng Concepcion sa pangunguna ni Brgy. Captain Minda L. Dela Santa sa kanilang taunang programa ng pamamahagi ng school supplies para sa mga mag-aaral ng Concepcion Elementary School.

Sa pamamagitan ng kanilang suporta at malasakit, nabigyan ng mga pangunahing kagamitan sa pag-aaral ang ating mga mag-aaral na magsisilbing inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral sa darating na panuruang taon.

Ang gawaing ito ay patunay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan para sa kapakanan at kinabukasan ng kabataan. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa edukasyon at sa mga programang naglalayong mapaunlad ang buhay ng bawat batang CES.

Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral! πŸ’™πŸ’›

Address

Naujan
5204

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd- Concepcion Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category