DepEd-Tigbao Elementary School

DepEd-Tigbao Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd-Tigbao Elementary School, Elementary School, Tigbao, Montelago, Naujan.

Isang malaking pagbati at saludo sa ating mga mag-aaral na buong husay na kinatawan ng ating paaralan sa District Meet 2...
22/08/2026

Isang malaking pagbati at saludo sa ating mga mag-aaral na buong husay na kinatawan ng ating paaralan sa District Meet 2026! 👏🏻

Ang inyong sipag, tiyaga, disiplina, at determinasyon ang tunay na naging susi sa inyong tagumpay. Ipinagmamalaki namin kayo!

Taos-pusong pasasalamat din sa ating mga coaches, g**o, magulang, at lahat ng sumuporta sa ating mga atleta. Ang inyong gabay at suporta ay malaking bahagi ng kanilang tagumpay.

Mabuhay ang ating mga atleta!
Mabuhay ang ating paaralan!
Patuloy nating ipakita ang husay, puso, at galing ng bawat Batang Tigbao! 💪✨


SA ALON NG PAGSUBOK, KARANGALAN ANG SINABAY✨Sa kabila ng maalon na paglalakbay, hindi natinag ang mga batang mamamahayag...
15/08/2026

SA ALON NG PAGSUBOK, KARANGALAN ANG SINABAY✨

Sa kabila ng maalon na paglalakbay, hindi natinag ang mga batang mamamahayag ng Tigbao Elementary School na naglayag para makalahok sa District Schools Press Conference 2026 na ginanap sa Francisco Melgar Memorial School. Pinili nilang lumaban at maniwala sa sariling kakayahan.

Ang kanilang tiyaga at tapang ay nagbunga ng karangalan. Ipinakita nilang walang unos na makapipigil sa batang may pangarap.

Buong pagmamalaki naming ipinakikilala ang mga batang mamamahayag na nagkamit ng karangalan:

-Withlove Mijailes M. Castigo
🥇1st Place- Editorial Cartooning (Filipino)
Division Schools Press Conference Qualifier

-Alyza F. Fegurasin
⭐️4th Place- Pagsulat ng Balita
Division Schools Press Conference Qualifier

-Jelian G. Luistro
⭐️ 4th Place- Copyreading (Filipino)
9th Place- Pagsulat ng Balita

-Ezrah Andrei P. Moong
⭐️ 4th Place- Editorial Cartooning (Filipino)

-Nyen Kyrie H. Atienza
⭐️ Participant- Editorial Cartooning (English)
Elected as Vice President of Young Journalists of
Naujan East

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap. Taos-pusong pasasalamat sa ating pang-ulong g**o, Madam Jeansie M. Sena, sa walang sawang suporta, sa ating coaches, Madam Maureen G. Beligan at Madam Joyce M. Tuano, sa tiyaga at paggabay sa mga batang mamamahayag, at sa mga magulang na patuloy na nagbibigay ng suporta at inspirasyon sa kanilang mga anak.

Sa ating mga batang mamamahayag ang inyong tagumpay ay aming ipinagmamalaki! Pinatunayan ninyo na kahit maalon ang daan, basta may tapang at tiyaga, makararating din sa tagumpay.

CONGRATULATIONS OUR YOUNG JOURNALISTS!!!

"Bawat pagtatapos ng isang kabanata, may bagong simulang magbibigay ng pag-asa. 💚💐Isang taos-pusong pasasalamat kay Mada...
09/08/2026

"Bawat pagtatapos ng isang kabanata, may bagong simulang magbibigay ng pag-asa. 💚

💐Isang taos-pusong pasasalamat kay Madam Laila sa iyong dedikasyon at serbisyo!

🌸Maligayang pagdating sa aming pamilya, Madam Mary Jane!

Magkakasama pa rin sa iisang hangarin—para sa mga bata at para sa Tigbao Elementary School. ✨

📢 SPTA ELECTION CUM MEETING 2026 🤝Matagumpay na naisagawa ang General SPTA Meeting noong Hulyo 23, 2026 sa ganap na ika-...
24/07/2026

📢 SPTA ELECTION CUM MEETING 2026 🤝

Matagumpay na naisagawa ang General SPTA Meeting noong Hulyo 23, 2026 sa ganap na ika-12 ng tanghali, na dinaluhan ng mga magulang, g**o, at iba pang katuwang sa edukasyon.

Sa pangunguna ng aming Ulong-Guro, Madam Jeansie M. Sena, tinalakay ang mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kaligtasan ng mga mag-aaral, kabilang ang mga nagaganap na insidente sa iba't ibang paaralan at ang mga kaukulang hakbang na ipinatutupad ng Department of Education. Ibinahagi rin ang mga pagbabago sa sistemang pang-akademiko dulot ng pagpapatupad ng Trimester System upang higit na maunawaan ng mga magulang ang mga pagbabagong ito.

Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag, taos-pusong pinasalamatan ang PTA Officers 2025–2026 sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa paaralan. Pinangunahan din ni Madam Sena ang halalan ng mga bagong PTA Officers para sa Taong Panuruan 2026–2027, na inaasahang magpapatuloy sa pagpapalakas ng ugnayan ng paaralan at ng mga magulang.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang na dumalo at nakiisa. Sa ating pagkakaisa at aktibong pakikilahok, mas lalo nating mapagtitibay ang ligtas, maayos, at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.



Huge congratulations to Madam Jeansie Morales Sena  for successfully passing the National Assessment for School Heads! 🎓...
04/07/2026

Huge congratulations to Madam Jeansie Morales Sena for successfully passing the National Assessment for School Heads! 🎓✨

Your hard work, dedication, and leadership continue to inspire the entire community. We are incredibly proud of this milestone and look forward to the amazing future ahead under your guidance.

Cheers to more success! 🥂👏


Kapag may umaalis, may dumarating—ngunit ang pagmamahal sa Tigbao Elementary School ay nananatili. 💚🌸 Maligayang pagdati...
04/07/2026

Kapag may umaalis, may dumarating—ngunit ang pagmamahal sa Tigbao Elementary School ay nananatili. 💚

🌸 Maligayang pagdating, Madam Jecell!
💐 Maraming salamat, Madam Chanda!

Isang pamilya. Isang layunin. Para sa mga bata. ✨

📢
25/06/2026

📢

DepEd Strengthens School Safety Through Proper Bag Inspection Guidelines
=========================================

In line with our strong commitment to provide a safe, secure, and child-friendly learning environment to all our learners, the Department of Education emphasizes the proper implementation of Bag Inspection Guidelines pursuant to DepEd Order No. 006, s. 2026.

Schools are reminded that bag inspections shall be conducted with respect, fairness, and adherence to established protocols, ensuring the protection and well-being of learners, teaching and non-teaching personnel, and visitors while maintaining a positive school environment.

Bag inspections shall be conducted by authorized personnel. Non-contact inspection methods shall be observed whenever applicable to ensure dignity, privacy, and respect. All schools are expected to implement safety measures without compromising learners’ rights.

Let us work together in building schools that are not only places of learning, but mostly, are safe spaces for everyone.

Ready, alert, and safe! 🛑 Tigbao Elementary School officially participates in the CY 2026 2nd Quarter Nationwide Simulta...
18/06/2026

Ready, alert, and safe! 🛑

Tigbao Elementary School officially participates in the CY 2026 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), today at 9:00am.

With unity and alertness, the Tigbao ES community practiced the life-saving routine:
🔹 DUCK
🔹 COVER
🔹 HOLD
🔷EVACUATION DRILL

Disaster preparedness is a shared responsibility. By training our young learners today, we protect their tomorrow!



12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpupugay sa katapangan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbukas ng landas tungo sa ating kasarinlan.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pamana upang patuloy nating mahalin ang bayan, pahalagahan ang kalayaan, at magkaisa para sa mas maunlad na kinabukasan ng bansa.

Address

Tigbao, Montelago
Naujan
5204

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd-Tigbao Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share