19/06/2014
Protips - June 19, 2014
Dealing with Workplace Gossip
By Maloi Malibiran-Salumbides
Alam mo ba kung ano ang pinaka-effective na panira ng relationship sa opisina, pinakamahusay mag-cause ng division sa mga organisasyon at pinakamabisang mag-iwan ng bitterness sa ating puso? Kung ang sagot mo ay "TSISMIS" tama ka.
Napakaliit ng ating dila, pero maaari itong maghatid ng malaking kasiraan sa ating maayos na ugnayan sa opisina.
Dealing with workplace gossip, pag-usapan natin iyan ngayon.
Ang sabi sa Proverbs 26:22, “Ang sitsit ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.” Kung ihahalintulad sa lutong ulam, ang tsismis ay very appetizing at juicy, dahil kung hindi ito masarap at katakam-takam, hindi sana attracted dito ang maraming tao.
Ang sabi rin sa atin sa Proverbs 18:21, “Death and life are in the power of the tongue.” So through our words, we can either destroy or build up a person. Kaya kailangang maging kumbinsido tayo na ang tsismis ay napakadelikado at walang buting idudulot sa kahit kanino.
Kapag nagkwento ka tungkol sa isang tao, pangyayari o problema na wala ka naman talagang direct na kinalaman dito at wala ring magagawa para makatulong dito, ang tawag dyan ay tsismis.
How to deal with gossip in the workplace?
1. Don’t pass the gossip along. Ang pinakamabuting bagay na maaari mong gawin kapag nakarinig ka ng tsismis tungkol sa iyong ka-opisina ay manahimik. Put yourself in that person's shoes – magiging masaya ka ba kung isang umaga ay dumating ka sa opisina at nalaman mong pinag-uusapan ka ng iyong mga katrabaho? Wouldn't that make you feel lonely, isolated and betrayed?
2. Confront the source of the gossip directly. Kapag ikaw ang bida o topic ng tsismis sa inyong opisina, pause and relax, huminga ng malamim at manalangin. Maging kalmado kapag kinausap mo ang tao na pinagmumulan ng tsismis. Huwag mo siyang lalapitan kung galit ka pa dahil mas malamang nyan magkakasakitan lamang kayo. Say something polite yet direct, gaya ng “Nasasaktan ako sa mga sinasabi mo tungkol sa akin. May nagawa ba akong mali sa iyo? Hindi ko gusto na pinag-uusapan ako habang nakatalikod ako, kaya please tumigil ka na sa pagkukwento tungkol sa akin. Maging magkaibigan na lang tayo. Gusto kitang maging kaibigan.”
3. Refuse to be drawn in. Madalas ang mga pinag-uusapang issue sa opisina ng mga hindi masasayang empleyado ay tungkol sa kanilang mga hinaing at reklamo. Reklamo sa kanilang boss at sa sistema ng kumpanya. Huwag ka nang makisali sa tsismisan. Refuse to respond to negative comments about your co-workers and your boss. Makatutulong din na kung magsasalita ka, try to change the subject subtly. Magsalita ka ng mga positibo at magagandang bagay.
Gossip fuels the fire of conflict. Gossip is very destructive. Pero may magagawa ka para mapigilan ang pagkalat at paglala nito: Don’t pass the gossip along, confront the source of the gossip directly, and refuse to be drawn in.
Masarap makipagkwentuhan, pero huwag naman buhay ng may buhay ang ating pagpiyestahan. Ang paalala sa atin ng Ephesians 4:29 "Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up..."
Be a blessing in the workplace today!