04/02/2026
๐๐ฟ. ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฑ ๐ ๐ฒ๐ป๐ฑ๐ผ๐๐ฎ, ๐ ๐ฎ๐น๐๐ด๐ผ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐ง๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ข๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ก๐๐ฆ
Malugod na tinanggap ng buong pamunuan, mga g**o, at mga estudyante si Dr. Jerald Mendoza bilang bagong itinalagang Officer-in-Charge (OIC) sa isang simpleng programang isinagawa sa paaralan.
Sa naturang pagtitipon, ipinahayag ng mga g**o at kawani ang kanilang pagtanggap at suporta kay Dr. Mendoza bilang bagong lider na gagabay at mangunguna sa patuloy na pagpapaunlad ng paaralan.
Sa kanyang mensahe, taos-pusong nagpasalamat si Dr. Mendoza sa mainit na pagtanggap at ipinangakong gagampanan ang tungkuling ipinagkatiwala sa kanya. Ipinahayag din niya ang kanyang hangaring makatrabaho ang bawat g**o at kawani para sa ikabubuti ng mga mag-aaral at ng paaralan. Aniya, mahalaga ang tulungan ng lider, mga g**o, at stakeholders para makamit ang tagumpay sa edukasyon.
Ang naturang pagtanggap ay nagsilbing panimula ng isang bagong yugto ng pamumuno na inaasahang maghahatid ng positibong pagbabago at mas pinatibay na samahan sa loob ng paaralan.