01/08/2026
๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Nakikiisa ang Sangay ng Batangas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2026 na may temang, "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Ito ay sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.
Ating ipagdiwang ang Wikang Pambansa 2026!
Maaring ma-download o makakuha ng kopya ng digital poster sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026 at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1