27/08/2026
🇵🇭 MALUGOD NA PAGBATI SA PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKA 2026! 🇵🇭
Sa buong buwan ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2026 na may temang:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.” 🤖📚🇵🇭
Layunin ng pagdiriwang na patuloy na mapalalim ang pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino at maipakita ang mahalagang papel nito sa makabagong panahon, lalo na sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) at iba pang teknolohiya bilang kasangkapan sa pagkatuto at pananaliksik.
📅 Mga Ginanap na Aktibidad sa Paaralan:
🎨 “Teknolohiya at Kultura sa Aking Kulay” – Pangkulay Contest
🎤 “Tula sa Makabagong Panahon” – Pagbigkas ng Tula
🎶 “Munting Tinig ng Lahi” – Pag-awit ng OPM/Makabayang Awit
🖼️ “Sining, Wika, at Teknolohiya” – Poster Making Contest
✍️ “Wikang Digital” – Slogan Making Contest
📝 “Tagisan ng Talino” – Filipino Group Quiz Bee
👑 “Munting Lakan at Lakambini ng Bulilit 2026”
👑 “Lakan at Lakambini ng Karunungan 2026”
💃 Munting Pagtatanghal mula sa piling mag-aaral at mga g**o
👗 Parada ng Munting Filipiniana at Barong
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, naipamalas ng ating mga mag-aaral at g**o ang kanilang talino, talento, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino, kasabay ng pagkilala sa teknolohiya at AI bilang mga makabagong kasangkapan sa pagkatuto at pagtuklas ng impormasyon.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga mag-aaral, g**o, magulang, hurado, at lahat ng naging bahagi ng makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
Mabuhay ang Kabataang Pilipino! 🇵🇭✨