06/07/2026
🇵🇭 Wawa Elementary School Nakikiisa sa Simultaneous Flag Ceremony at Paggunita sa Ika-10 Anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award 🇵🇭
Hulyo 6, 2026 — Buong pusong nakiisa ang Wawa Elementary School sa Simultaneous Flag Ceremony bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award.
Layunin ng gawaing ito na higit na mapalalim ang kaalaman at kamalayan ng ating mga mag-aaral, g**o, at stakeholders sa kahalagahan ng landmark arbitral ruling, sa ating mga karapatan bilang isang malayang bansa, at sa kahalagahan ng pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.
Sa pamamagitan ng sama-samang paggunita, hinihikayat natin ang bawat isa na maging makabayan, responsable, at mapanagutang mamamayan na may pagmamalaki at pagpapahalaga sa ating bansa.
Sama-sama nating itaguyod ang pagmamahal sa bayan, igalang ang ating kasaysayan, at pangalagaan ang ating kinabukasan. 🇵🇭