16/11/2023
SK CUP BATANG WAWA BASKETBALL LEAGUE 2023 πͺπ«‘π
Taos pusong papuri at pasasalamat ang pinapabatid ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa sa lahat ng nakilahok sa ating huling season ng SK Cup 2023. Hindi matatawaran ang ipinakita nyong disiplina at pagpupursigi na maipanalo ang bawat kuponan na inyong nilalahukan.
Maraming salamat din sa mga magulang na naka suporta sa kanilang mga anak sa mga ganitong pagkakataon. Maraming salamat sa mga Coaches at Managers sa pag oorganisa ng bawat team upang makalahok sa ating liga. Maraming salamat sa buong Barangay Wawa na syang nagpakita ng suporta sa proyektong ito.
Higit sa lahat, Maraming salamat sa ating butihing Kapitan Vincent John Atienza sa walang sawang pag suporta sa ating mga proyekto hanggang dulo. Maraming salamat sa ating SK Cup League Team na pinangunahan ng ating Sports Commisionaire Adonis Nishizawa sa pag tanggap ng buong puso sa obligasyon na ating iniatang na makikita nating sobrang effort ang binigay sa atin upang maging maayos ang ating liga. π«‘
Mula sa buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa, Maraming salamat po sa inyong lahat! β£οΈπ€π«‘