01/06/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 β DAY 1 KICK-OFF π
Ngayong araw ay opisyal na sinimulan ng Nasugbu West Central School ang Brigada Eskwela 2026 sa temang:
βBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.β
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral, alumni, at mga stakeholders, nagsimula ang mga gawain para sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras, lakas, at suporta sa unang araw ng Brigada Eskwela. Ang inyong pakikiisa ay patunay, na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad.
π Nasugbu West Central School
π
Day 1 Kick-Off | June 1, 2026
Sama-sama nating ihanda ang paaralan para sa tagumpay ng bawat mag-aaral!
β€οΈππ«