28/08/2025
📌 Pampinid na Palatuntunan sa Buwan ng Wika 2025
NNVS | Agosto 27, 2025
Isang makulay, makabuluhan, at masayang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang nasaksihan kahapon (ika-28 ng Agosto, 2025) sa Nasipit National Vocational School. 🇵🇭✨
📷 Narito ang ilang mga kaganapan sa Pampinid na Palatuntunan.
Abangan ang kumpletong detalye at iba pang larawan na aming ilalathala sa mga susunod na araw.
👉 Kung mayroon kayong high quality na larawan o anumang alaala mula sa nasabing programa, huwag mahihiyang i-share sa comments section sa ibaba. 📸💬
26/08/2025
📣 BUKAS NA ANG HINIHINTAY NG LAHAT! 📣
Bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, ipinaaalam sa lahat na bukas, Agosto 27, 2025 (Miyerkules), ay magsusuot ng katutubong kasuotan ang lahat ng mag-aaral, g**o, kawani, at maging ang ating mga guwardiya mula ala-7:30 ng umaga hanggang ala-5:00 ng hapon.
Upang magsilbing inspirasyon, narito ang ilang larawan ng mga halimbawa ng katutubong kasuotan.
Gayunpaman, kayo ay malayang mag-ayos, mag-modify, o gumawa ng sariling DIY, basta’t ito ay may paggalang at wastong representasyon ng ating mga Katutubong Pangkat ng Pilipinas.
✨ Ipakita natin ang ating pagmamahal at pagmamalaki sa ating wika, kultura, at pagkakakilanlan bilang Pilipino! 🇵🇭
Mabuhay ang Wikang Pambansa!
21/08/2025
Eyyyy muna eyyy! HAHA Joke lang poooo! 😄
18/08/2025
🇵🇭✨ MABUHAY ANG AMA NG WIKANG PAMBANSA! ✨🇵🇭
Ngayong ika-19 ng Agosto 2025, ating ginugunita ang Ika-147 Kaarawan ni Manuel Luis Quezon, ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. 🎉
Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025, ating alalahanin ang kanyang dakilang ambag—ang pagtataguyod ng Wikang Filipino bilang sagisag ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.
📝 Huwag nating kalimutan: ang pagpapahalaga at paggamit ng sariling wika ay tanda ng tunay na pagmamahal sa bayan.
Sa bawat salitang ating binibigkas, muling nabubuhay ang adhikain ni Quezon para sa isang bansang nagkakaisa sa wika, kultura, at diwa!
💬 Ibahagi sa komento: Paano sinasabi ang "Maligayang Kaarawan" sa inyong lugar? 🇵🇭❤️
Larawan galing kay Margareth Sardual 🧡
17/08/2025
📢🇵🇭 PAMPINID NA PALATUNTUNAN SA BUWAN NG WIKA 2025 🇵🇭📢
Bilang pagdiriwang ng ating Wikang Pambansa at Kulturang Pilipino, inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral ng Nasipit National Vocational School na makiisa at makilahok sa mga natatanging patimpalak para sa ating Pampinid na Palatuntunan! 🎉
✨ Mga Paligsahan:
🎶 Combo-Lata
Battle of the Bands para sa Grade 7–9
👉 Mga bandang bubuo gamit lamang ang mga recyclable materials bilang instrumento. Patunayan ang galing, tunog, at likhang Pinoy!
📖 Malikhaing Pagkukuwento
Paglalahad ng Kuwento para sa Grade 10–12
👉 Ihayag ang imahinasyon at malikhaing diwa sa pamamagitan ng makabagbag-damdaming pagsasalaysay.
👑 Bida ng Panitikan, Parada ng Tauhan
Bukas sa lahat ng mag-aaral, mga g**o at empleyado
👉 Damhin ang kasaysayan at panitikan sa pamamagitan ng pagsusuot ng katutubong kasuotan at pagrampa bilang mga tauhan mula sa panitikan at kultura.
👸🤴Lakan at Lakambini ng Wika 2025
👉 Higit pa sa pagpapakita ng kagandahan at kagitingan ng mga kalahok. Sa pamamagitan ng makukulay na pagtatanghal at tradisyunal na Glass Dance, ipapamalas nila ang kanilang husay sa indak habang nakasalalay rin ang kanilang kapalaran sa suporta ng madla. Ang basong kanilang dala ay pupunuin ng ambag ng mga manonood, at ang pinakamaraming nakalap na halaga ang siyang magiging Lakan at Lakambini ng 2025—isang simbolo ng ganda, gilas, at pagkakaisa.
🌸 Ang lahat ng ito ay magsisilbing patunay na ang ating wika at kultura ay buhay na buhay sa puso ng bawat Batang NNVS!
🗓️Ika- 27 ng Agosto, 2025 | Ala-una ng hapon
💬 Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa inyong mga g**o sa Filipino.
💡 Isabuhay ang ating tema, at ipagmalaki ang sariling atin. Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭
17/08/2025
NNVS binuksan ang pagdiriwang sa Buwan ng Wika
NASIPIT, AGUSAN DEL NORTE — Pormal na binuksan ng Nasipit National Vocational School (NNVS) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang pambungad na palatuntunan na ginanap noong ikaapat ng Agosto, 2025 sa Bulwagan ng NNVS.
Nagsimula ang programa eksaktong 7:36 ng umaga sa pamamagitan ng WATCH Prayer, na sinundan ng pag-awit ng Pambansang Awit na pinangunahan ni Gng. Salome I. Hernani.
Isinagawa rin ang Panatang Makabayan at ang pag-awit ng NNVS Hymn.
Bilang pagpapakita ng pagkakaisa, nagtanghal ng Sayaw ng Pagkakaisa ang mga mag-aaral mula sa Senior High School (Grade 11) kung saan sila ang nanguna sa masiglang hataw.
“Ang tema natin ngayong taon ay ‘Paglinang ng Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa’,” pahayag ni Bb. Emelita A. Felias, Filipino Coordinator ng NNVS, sa kanyang pambungad na pananalita.
Ibinahagi rin ni Bb. Felias na ang layunin ng palatuntunan ay hindi lamang para ipagdiwang ang Buwan ng Wika kundi upang palalimin ang pagpapahalaga ng kabataan sa wikang Filipino at sa iba’t ibang katutubong wika.
Matapos nito, sinundan ang programa ng masiglang laro na Singing Bee kung saan aktibong lumahok ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang.
“Nakakatuwa na makita ang kasiglahan at galing ng ating mga mag-aaral sa larangan ng musika,” ani ng isang g**o habang nakangiti.
Ikinuwento rin ng ilang g**o na ang nasabing laro ay nagbigay saya at nagpaalala sa mga mag-aaral ng kahalagahan ng mga awiting Pilipino na bahagi ng ating kultura.
Naghandog din ng espesyal na pagtatanghal ang mga mag-aaral mula sa HUMSS 11 A at B kung saan kanilang inawit ang “Ili, Ili Tulog Anay” at “Ang Pipit”.
“Napakaganda at damang-dama ang mensahe ng bawat kanta,” sabi ni Bb. Tabanao bilang papuri sa naging pagtatanghal.
Ayon sa mga mag-aaral, nakadagdag ng kaalaman at saya ang isinagawang trivia questions kung saan ang mga nagwagi ay nakatanggap ng premyong salapi mula sa paaralan bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok.
Nagtapos ang pambungad na palatuntunan sa ilang mahahalagang anunsyo mula sa pamunuan ng paaralan, bilang paghahanda sa iba pang mga aktibidad na isasagawa para sa kabuuan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.