23/09/2026
๐๐ด๐ต๐ฎ๐บ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ก๐๐
Masayang idinaos ng Northwestern Agusan Colleges (NAC) ang Math-Sci Activity na may temang โBeyond Boundaries: Where Technology, Creativity, and Nature Connectโ noong Setyembre 23, 2026, na naglalayong linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-iisip, pag-unawa, pagkamalikhain, at paglutas ng mga suliranin.
Sa ibaโt ibang aktibidad na inihanda ng paaralan, nagwagi ang Baitang 12 STEM at ABM sa Quiz Bee, habang nasungkit ng Baitang 11 STEM ang ikalawang puwesto at Baitang 12 HUMSS ang ikatlong puwesto.
Sa Ortho, nanguna ang Baitang 10, sinundan ng Baitang 12 sa ikalawang puwesto at Baitang 7 sa ikatlong puwesto. Samantala, nagwagi ang Baitang 8 sa Poster Making, pumangalawa ang Baitang 12, at pumangatlo ang Baitang 9.
Sa Station Rotation, nakuha ng Baitang 12 ang unang puwesto, habang pumangalawa ang Baitang 9 at pumangatlo ang Baitang 11. Sa Jingle Competition, nanguna ang Baitang 11, sinundan ng Baitang 7 sa ikalawang puwesto at Baitang 8 sa ikatlong puwesto.
Sa indibidwal na aktibidad, nakuha ng Baitang 11 ang unang puwesto sa Rubrics matapos magpakita ng mahusay na pagtatanghal, habang pumangalawa ang Baitang 9 at pumangatlo ang Baitang 8.
โThey are not just a subject we study inside the classroom; they are part of the world. If we look at our surroundings, we can see mathematics and science. Technology is everywhere,โ ani Ms. Josiery Keziah Uayan, punong g**o ng paaralan.
Binigyang-diin ng aktibidad na ang Agham at Matematika ay hindi lamang mga asignaturang pinag-aaralan sa loob ng silid-aralan, kundi mga larangang makikita at nagagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Naging matagumpay ang Math-Sci Activity sa paglinang hindi lamang sa kaalaman ng mga mag-aaral, kundi pati sa kanilang pagkamalikhain, pakikipagtulungan, at pagpapahalaga sa kalikasan at teknolohiya.
Isinulat ni: Justin Manhonyogan
Litrato nina: George Simon Jayoma
Julianne Cena
Beatriz Namocatcat
Inianyo ni: Sweet Gulleban