DepEd Narvacan South Central School SPED Center

DepEd Narvacan South Central School SPED Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Narvacan South Central School SPED Center, Campus Building, Poblacion, Narvacan.

Maligayang Pagbati Gng. PERLITA A. DONATO🎊Sa araw na ito, ikaw ang namumukod tanging nagtataglay ng kagandahang animoy p...
21/08/2026

Maligayang Pagbati Gng. PERLITA A. DONATO🎊

Sa araw na ito, ikaw ang namumukod tanging nagtataglay ng kagandahang animoy perlas na kumikinang. Sa iyong natatanging katangian, namamangha ang mga bata sa bawat pagpasok sa silid aralan.

Lubos ang aming kagalakan na ikaw ay batiin namin ng Maligayang kaarawan. Nawa ay biyayaan ka ng higit pa sa iyong hinihiling ng ating Panginoon lalo na ang iyong kalusugan maam.

Muli, maligayang kaarawan Ma'am Perlita🎉

Patuloy ang Pagkatuto sa Kabila ng Hagupit ni HabagatSa kabila ng tuloy-tuloy na pagsuspinde sa face-to-face classes na ...
20/08/2026

Patuloy ang Pagkatuto sa Kabila ng Hagupit ni Habagat

Sa kabila ng tuloy-tuloy na pagsuspinde sa face-to-face classes na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, patuloy ang pagkatuto sa Narvacan South Central School SPED Center sa pamamagitan ng paggabay at paghikayat ni Gng. Maura C. Aquino, Principal II.

Bilang tugon sa pagsususpinde ng face-to-face classes dahil sa masamang lagay ng panahon, nagsagawa ang paaralan ng mga gawaing pampagkatuto online sa pamamagitan ng Google Classroom upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon at mabawasan ang pagkaantala sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Aktibong nakibahagi ang mga g**o mula sa iba’t ibang baitang sa pamamagitan ng paghahanda ng mga makabuluhang aralin, gawaing pampagkatuto, at ang“Kamustahan” para sa kanilang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga g**o na kumustahin ang kalagayan ng mga mag-aaral, mapanatili ang komunikasyon, at mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral habang sila ay nasa kanilang tahanan.

Isinasaalang-alang din ng mga g**o ang mga mag-aaral na may mahina o limitadong koneksyon sa internet kung kaya't bilang karagdagang paraan ng pagkatuto, ipinatupad din ng paaralan ang modular learning modality. Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nakatatanggap ng mga printed modules na kanilang sinasagutan sa loob ng takdang panahon.

Ang mga modyul ay maingat na inihanda ng mga g**o upang maging angkop sa antas at pangangailangan ng mga mag-aaral, at sinisig**o ring malinaw ang mga panuto upang magabayan sila kahit wala ang g**o sa kanilang tabi. Ang mga magulang at tagapag-alaga ay nagsisilbing katuwang sa pag-aaral sa tahanan upang masig**o ang maayos na pagsasagawa ng mga gawain.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng pamunuan, mga g**o, mag-aaral, at magulang, patuloy na ipinapakita ng Narvacan South Central School SPED Center ang pagiging matatag sa kabila ng mga hamon na dulot ng masamang panahon.

ANUNSIYO| Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131 mula sa Tanggapan ng Pangulo at sa Advisory na inilabas ng Pamahalaa...
19/08/2026

ANUNSIYO| Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 131 mula sa Tanggapan ng Pangulo at sa Advisory na inilabas ng Pamahalaang Bayan ng Narvacan, ipinag-uutos ang suspension ng face-to-face classes sa lahat ng antas (all levels) sa mga paaralan na sakop ng kautusan bukas Agosto 20, 2026, bunsod ng umiiral na kondisyon ng panahon.
Bilang kapalit, ang Narvacan South Central School SPED Center ay magpapatupad ng Modular Learning at iba pang Alternative Learning Modalities (ALMs) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral habang pinangangalagaan ang kanilang kaligtasan.

📢ANUNSIYO| Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 129 mula sa Tanggapan ng Pangulo at sa Executive Order na inilabas ng M...
18/08/2026

📢ANUNSIYO| Alinsunod sa Memorandum Circular Blg. 129 mula sa Tanggapan ng Pangulo at sa Executive Order na inilabas ng Municipality of Narvacan, ipinag-uutos ang suspension ng face-to-face classes sa lahat ng antas (all levels) sa mga paaralan na sakop ng kautusan ngayong Agosto 19, 2026, bunsod ng umiiral na kondisyon ng panahon.

Bilang kapalit, ang Narvacan South Central School SPED Center ay magpapatupad ng Modular Learning at iba pang Alternative Learning Modalities (ALMs) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral habang pinangangalagaan ang kanilang kaligtasan.

Voice Amplifiers, Ipinagkaloob sa mga G**o ng Narvacan South Central School SPED CenterNoong Agosto 12, matagumpay na na...
15/08/2026

Voice Amplifiers, Ipinagkaloob sa mga G**o ng Narvacan South Central School SPED Center

Noong Agosto 12, matagumpay na naipamahagi ang Dalawampu't lima (25) voice amplifier sa mga g**o ng Narvacan South Central School SPED Center bilang bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Department of Education (DepEd) na magbigay ng mga kagamitang makatutulong upang mapabuti ang pagtuturo sa loob ng silid-aralan.

Ang mga nasabing kagamitan ay personal na dinala ni G. Winifredo Pe Benito, Education Program Specialist ng School Governance and Operations Division (SGOD).

Ayon sa DepEd, ang pagbibigay ng mga kagamitang ito ay patunay ng kanilang patuloy na layunin na matugunan ang pangangailangan ng mga g**o sa pamamagitan ng angkop at sapat na kagamitang panturo, na naglalayong mapahusay ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang mga natanggap na Dalawampu't Lima(25) voice amplifiers ay itinuturing na mahalagang dagdag sa mga kagamitang panturo ng paaralan. Inaasahang makatutulong ang mga ito upang mas malinaw na maiparating ng mga g**o ang kanilang mga aralin at tagubilin, at higit na mahikayat ang aktibong partisipasyon at atensyon ng mga mag-aaral sa klase.

Samantala, ipinaabot ni Gng. Maura C. Aquino, Punong g**o II, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa naturang suporta. Binigyang-diin din niya ang pangako ng paaralan na gagamitin nang wasto ang mga kagamitang ito upang higit pang maisulong ang de-kalidad, makabuluhang edukasyon para sa mga mag-aaral.

Happy Birthday Ma'am MARY JINLYNN A. ESPANTO🎊Just like the rain, may blessings pour abundantly into your life. May your ...
15/08/2026

Happy Birthday Ma'am MARY JINLYNN A. ESPANTO🎊

Just like the rain, may blessings pour abundantly into your life. May your special day be filled with joy, love, good health, and countless reasons to smile. May God continue to bless you and shower you with more beautiful moments and success.

Stay safe everyone🙏
09/08/2026

Stay safe everyone🙏

📢 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘

In view of the continuous heavy rainfall brought about by the Southwest Monsoon (Habagat) and the Orange Rainfall Warning issued by DOST-PAGASA, classes at all levels in both public and private schools in the Municipality of Narvacan, Ilocos Sur, are suspended tomorrow, Monday, August 10, 2026.

This measure is being taken as a precaution to protect the safety and welfare of our learners, teachers, school personnel, and the community.

IMPORTANT DIRECTIVES FOR SCHOOLS

To help ensure learning continuity, all School Heads are advised to provide learners with the appropriate modules, activity sheets, or learning tasks. Teachers are likewise encouraged to give clear instructions, reasonable deadlines, and proper monitoring upon the resumption of classes.

Everyone is reminded to stay alert, exercise caution, and take the necessary precautions. Please continue to monitor the official page of the Local Government Unit of Narvacan for further announcements and updates.

Stay safe, Narvacan!

🚨Public Advisory🚨Please be guided Accordingly.Stay safe everyone🙏
05/08/2026

🚨Public Advisory🚨

Please be guided Accordingly.
Stay safe everyone🙏

04/08/2026
📢 PANAWAGAN | Kami ay Nangangailangan ng Administrative/School Aide❗️Ang Paaralang Sentral ng Timog Narvacan SPED Center...
04/08/2026

📢 PANAWAGAN | Kami ay Nangangailangan ng Administrative/School Aide❗️

Ang Paaralang Sentral ng Timog Narvacan SPED Center ay naghahanap ng Administrative/School Aide na handang maglingkod at makiisa sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.

Para sa bata , tara mag apply ka na!

Address

Poblacion
Narvacan
2704

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 6:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm

Telephone

+63776042606

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Narvacan South Central School SPED Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Narvacan South Central School SPED Center:

Shortcuts

Share