DepEd Tayo- Bethlehem Elementary School

DepEd Tayo- Bethlehem Elementary School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo- Bethlehem Elementary School, School, Sitio Mariwara, Bgy. Princess Urduja, Narra.

"Naglalakad na Aklatan Project"Isang taos-pusong pasasalamat sa Local Government Unit ng Munisipyo ng Narra, sa pamamagi...
04/08/2026

"Naglalakad na Aklatan Project"

Isang taos-pusong pasasalamat sa Local Government Unit ng Munisipyo ng Narra, sa pamamagitan ng Municipal Library, sa pagdadala ng "Naglalakad na Aklatan Project" sa aming paaralan.

Lubos naming pinahahalagahan ang pagpapahiram at pagbibigay ng mga babasahin, gayundin ang mga kids' table and chairs para sa aming school library. Ang mga biyayang ito ay magsisilbing daan upang higit pang malinang ang pagmamahal ng ating mga mag-aaral sa pagbabasa at pagkatuto.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa edukasyon at sa pagsusulong ng kultura ng pagbabasa sa ating komunidad. Sama-sama nating binubuo ang isang henerasyong mahilig magbasa, matuto, at mangarap.

Sa matagumpay na pagsasagawa ng OPCRF Validation ng Bethlehem Elementary School, muli naming pinatunayan na ang dedikasy...
04/08/2026

Sa matagumpay na pagsasagawa ng OPCRF Validation ng Bethlehem Elementary School, muli naming pinatunayan na ang dedikasyon, pagkakaisa, at malasakit sa kalidad ng edukasyon ang susi sa patuloy na pag-unlad ng aming paaralan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng g**o, kawani, at mga katuwang na naging bahagi ng matagumpay na validation. Ang bawat dokumento, pagsisikap, at sakripisyo ay patunay ng ating sama-samang hangarin na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo para sa bawat batang Bethlehemian.

Sama-sama sa patuloy na pag-angat. Sama-sama para sa mas mahusay na edukasyon!

Maligayang Kaarawan, Sir Maestro Rye! Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at l...
21/07/2026

Maligayang Kaarawan, Sir Maestro Rye! Nawa'y patuloy kang pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas sa iyong paglilingkod. Salamat sa iyong dedikasyon, kabutihan, at inspirasyong ibinabahagi sa lahat. Hangad namin ang higit pang tagumpay, saya, at walang hanggang biyaya. 🎉🎂💙

Taos-pusong pagbati sa aming masipag, mahusay, at dedikadong Head Teacher I, Mam Jennylen Alcantara Ramos, sa matagumpay...
04/07/2026

Taos-pusong pagbati sa aming masipag, mahusay, at dedikadong Head Teacher I, Mam Jennylen Alcantara Ramos, sa matagumpay na pagpasa sa National Assessment for School Heads! Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong walang sawang pagsisikap, tiyaga, at taos-pusong paglilingkod sa larangan ng edukasyon. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa bawat g**o, mag-aaral, at miyembro ng aming paaralan na patuloy na magsikap at mangarap. Lubos kaming ipinagmamalaki ang iyong natamong tagumpay. Binabati ka namin at hangad ang higit pang tagumpay sa iyong pamumuno at propesyon.

Isang matagumpay at makabuluhang Induction Program ang isinagawa ng Bethlehem Elementary School para sa mga bagong halal...
27/06/2026

Isang matagumpay at makabuluhang Induction Program ang isinagawa ng Bethlehem Elementary School para sa mga bagong halal na opisyal ng School Governance Council (SGC), Parent-Teacher Association, SELG, Homeroom, at Classroom Officers noong Hunyo 26, 2026. Pinarangalan ang programa sa pagdalo nina Punong Barangay Roderick V. Quinto at Hon. Querol R. Llera, Committee on Education ng Barangay Princess Urduja, na nagbigay ng inspirasyon sa mga opisyal. Nawa'y magsilbing gabay ang kanilang panunumpa sa tapat, responsable, at mahusay na pamumuno, tungo sa mas matatag na ugnayan ng paaralan, mga magulang, mag-aaral, at buong komunidad.

Congratulations, Ma’am Elena G. Siatrez!Your well-deserved promotion from Teacher III to Teacher VI reflects your dedica...
15/06/2026

Congratulations, Ma’am Elena G. Siatrez!
Your well-deserved promotion from Teacher III to Teacher VI reflects your dedication, excellence, and passion in shaping young minds. May you continue to inspire learners and fellow educators. We are proud of your remarkable achievement!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, mga kasapi ng komunidad, at mga stakeholders na makiisa sa B...
26/05/2026

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, mag-aaral, mga kasapi ng komunidad, at mga stakeholders na makiisa sa Brigada Eskwela 2026 na gaganapin sa ating paaralan mula Hunyo 1-5, 2026. Sama-sama nating ihanda ang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral. Ang inyong oras, suporta, at pakikilahok ay malaking tulong upang mas mapabuti ang ating paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Tunay na mahalaga ang bayanihan at pagtutulungan upang makamit ang isang mas maayos at makabuluhang edukasyon.
📌 Mga maaaring dalhing kagamitan at materyales:
• Walis tingting / tambo
• Basahan at mop
• Dustpan
• Pala at kalaykay
• Trash bags / sako
• Martilyo
• Bolo / itak para sa paglilinis ng damo
• Gloves at face mask
• Garden tools at iba pang gamit sa paglilinis
Halina’t makiisa at magbahagi ng inyong oras, talento, at malasakit para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026.

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang ating nasaksihan sa matagumpay na Ika-13 Palatuntunan ng Pagtatapos at 14t...
31/03/2026

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang ating nasaksihan sa matagumpay na Ika-13 Palatuntunan ng Pagtatapos at 14th Moving Up Ceremony ng Kindergarten mula sa Bethlehem Elementary School. Sa temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” ipinakita ng ating mga mag-aaral ang bunga ng kanilang pagsisikap, tiyaga, at determinasyon. Mula sa munting hakbang ng ating mga batang Kindergarten hanggang sa makabuluhang pagtatapos ng ating mga mag-aaral sa Ikaanim na Baitang, tunay na kahanga-hanga ang kanilang pag-unlad.

Sa likod ng tagumpay na ito ay ang walang sawang suporta ng mga magulang at ang dedikasyon ng ating mga g**o. Sa bawat medalya at sertipiko ay nakapaloob ang kanilang mga pangarap at pag-asa para sa mas maliwanag na kinabukasan. Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagsipagtapos at nag-moving up nawa'y patuloy kayong maging ilaw at inspirasyon ng bayan!
Muli, isang mainit na pagbati Batch 2026!

Taos-pusong pagbati po sa aming iginagalang na ulong g**o ng Bethlehem Elementary School sa matagumpay ninyong pagtatapo...
20/03/2026

Taos-pusong pagbati po sa aming iginagalang na ulong g**o ng Bethlehem Elementary School sa matagumpay ninyong pagtatapos ng inyong masteral. Ang inyong dedikasyon, tiyaga, at walang sawang pagsisikap ay tunay na kahanga-hanga at nagsisilbing inspirasyon sa aming lahat. Patunay ito ng inyong matibay na paninindigan na patuloy na mapaunlad ang kalidad ng edukasyon. Nawa’y magsilbi pa itong dagdag lakas upang higit ninyong magampanan ang inyong misyon sa paaralan. Lubos po namin kayong ipinagmamalaki at pinasasalamatan.

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga magulang, g**o, stakeholders, at sa bawat isa na nagbigay ng oras, supo...
27/02/2026

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga magulang, g**o, stakeholders, at sa bawat isa na nagbigay ng oras, suporta, at kontribusyon para sa matagumpay na pagdaraos ng King and Queen of Hearts 2026 Coronation Day. Ang inyong pakikiisa at malasakit ang naging pundasyon ng tagumpay ng gawaing ito.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa pagdalo at suporta ng ating Barangay Council sa pangunguna ni Kapitan Roderick V. Quinto, kasama sina Kagawad Querol R. Llera, Kagawad Rodolfo Poncio, at Kagawad Wilhelm Zita. Ang inyong presensya ay malaking inspirasyon sa ating paaralan at kabataan.

Higit sa lahat, ang pangunahing layunin ng popularity contest ay para sa pagpapagawa ng pasimula ng gate at bakod ng paaralan—isang hakbang tungo sa mas ligtas at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit! ❤️👑

Address

Sitio Mariwara, Bgy. Princess Urduja
Narra

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo- Bethlehem Elementary School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category